Lumaktaw sa content

Mga sandali sa araw

Talakayan sa klase

Mahalagang bahagi ng pagkatuto ang talakayan sa klase. Pinapalakas nito ang pagsasalita, pakikinig, at pag-iisip, habang binibigyan ang bawat estudyante ng pagkakataong magsalita. Mag-usap man kayo tungkol sa isang teksto, tumuklas ng konsepto sa agham, o magmuni-muni sa isang isyung panlipunan, nakatutulong ang maayos na talakayan para maiugnay ng mga estudyante ang mga ideya at matuto sa isa’t isa.

Kapag nag-project ka ng screen para sa talakayan sa klase, mas organisado ang lesson mo at mas engaged ang mga estudyante. Gamit ang visual timer, mga question prompt, at interactive na poll, puwede kang magtakda ng malinaw na inaasahan, hikayatin ang partisipasyon, at tiyaking may pagkakataong makapagbahagi ang bawat estudyante. Nakatitipid sa oras ang mga ready-made na template at nakatutulong para makapagpokus ka sa paggabay sa usapan.

Mga template para sa Talakayan sa klase

Bakit gusto ito ng mga guro

  • Pinananatiling organisado at naka-track ang mga talakayan.
  • Hinihikayat ang lahat ng estudyante na makilahok.
  • Nakatitipid ng oras sa mga ready-made na template para sa bawat pangkat ng edad.

Paano ito i-set up

  1. 1Pumili ng template ng screen para sa talakayan sa klase na akma sa baitang mo.
  2. 2I-project ang screen sa simula ng talakayan mo.
  3. 3Mag-set ng visual timer para mamahala sa oras ng talakayan.
  4. 4Idagdag ang tanong o prompt mo sa talakayan sa screen.
  5. 5Gumamit ng name picker o randomizer para patas na matawag ang mga estudyante kung kailangan, o hayaang sumagot ang mga volunteer sa pamamagitan ng poll o QR code sa mga device nila kung angkop sa edad nila.

Mga tip

  • Magsimula sa warm-up question para makapagsalita ang lahat.
  • Gamitin ang checklist widget para ilista ang mga tuntunin o layunin ng talakayan.
  • Hikayatin ang mas tahimik na mga estudyante sa pamamagitan ng random name picker.
  • Ibuod ang mahahalagang punto sa screen habang umuusad ang talakayan.

Mga tanong ng mga guro

Puwede ko bang gamitin ang mga screen na ito sa mas batang mga estudyante?

Oo, may mga template na idinisenyo para sa bawat pangkat ng edad, kabilang ang mga simpleng visual at prompt para sa mas batang estudyante.

Paano ko mapananatiling naka-track ang talakayan?

Gamitin ang timer at ang mga nakikitang prompt ng tanong para matulungan ang mga estudyante na manatiling nakatuon at organisado.

Makakalahok ba ang mga estudyante gamit ang kanilang mga device?

Oo, puwedeng sumagot ang mas matatandang estudyante sa mga poll o tanong gamit ang kanilang mga phone sa pamamagitan ng QR code.

Mga widget sa screen na ito

Tingnan din