- Science
- 3 Grade Rocelle Gil
SCIENCE 3 IKALAWANG KWARTER Modyul 1 Damhin Mo ang Kapaligiran Most Essential Learning Competencies ⚫ Nakikilala ang mga bahagi at gawain ng mata, tainga, ilong, dila, at balat ng tao (S3LT-lla-b-1) Para sa Mag-aaral Ang modyul na ito ay espesyal na idinisenyo upang makatulong sa inyong pang-unawa at maisagawa ang mga layunin ng aralin. Basahin at sundin ang mga sumusunod na tagubilin bilang iyong gabay. 1. Maglaan ng espasyo sa tahanan para sa pag-aaral. 2. Humingi ng gabay sa inyong magulang o tagapangalaga para matulungan kayo sa mga gawain. 3. Isulat sa iyong notbuk ang konsepto ng bawat aralin at ilista kung kayo ay may nais itanong para sa inyong guro. 4. Pagnilayan at isabuhay ang mga konseptong natutunan. May-akda Inaasahan Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: • natutukoy at nailalarawan ang bahagi at gawain ng mata, tainga, ilong, dila, at balat ng tao; at • natutukoy ang wastong paraan ng pangangalaga ng bahagi ng katawan na ginagamit upang makadama 1
Unang Pagsubok Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa sagutang papel na nasa pahina 10 ng modyul na ito. - 1. Anong bahagi ng katawan ang ginagamit upang makakita? A. dila B. ilong C. mata D. tainga 2. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng ating tainga? A. nakakaamoy C. nakakarinig B. nakakakita D. nakakaramdam 3. Ang sumusunod ay mga bahagi ng ilong MALIBAN sa ________. A. nasal cavity C. nostrils B. pinna D. olfactory nerves 4. Ano ang lasa mayroon ang tsokolate, asukal, at keyk? A. matamis B. maasim C. maalat D. mapait 5. Alin ang HINDI nagpapakita ng tamang paraan ng pangangalaga ng balat? A. pagligo araw-araw C. pag-inom ng maraming tubig B. pagtulog ng maaga D. paglalakad ng nakayapak Balik Tanaw Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng katawan ang nasa larawan. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa iyong sagutang papel (pahina 10). 1. 2. 3. 4. 5. • Mga Pagpipilian: kamay ilong tainga dila mata 2
Maikling Pagpapakilala ng Aralin Panuto: Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, atin munang kantahin ang inihanda kong awitin sa tono ng “Bahay Kubo”. Ang Mga Pandama Ni: Gng. Rezaline B. Celso I Mata, tainga, ilong, dila, At mga balat ay bahagi ng Ating katawan para makadama Halina't alamin at matutunan. II Ang mga ito ay mahalaga, Iyong ingatan at alagaan, Tuklasin natin sa ating aralin Mga pandama at kanilang gawain. Mahusay! Binabati kita sa iyong masiglang pagkakaawit. Ngayon naman ay dumako tayo sa mga katanungan sa ibaba. Tanong: 1. Tungkol saan ang ating inawit? 2. Anong mga bahagi ng katawan ang binanggit sa awitin? Alam mo ba ang mga gawain ng mga ito? Paano mo ito pinapangalagaan? Tara! Samahan mo akong talakayin at alamin ang mga bahagi at kahalagahan ng ating Pandama. Handa ka na ba? Tayo na’t magsimula! •Ang awit na iyong binasa ay maaring mapakinggan sa Youtube link na ito: https://youtu.be/291AXdtcgsY •Karagdagang Gawain: Gumupit o gumuhit ng larawan ng mata, tainga, ilong, dila at balat, lagyan ito ng pamagat na “Ang Mga Pandama”. Gawin ito sa iyong kuwaderno sa Science. 3
Gawain 1: Matang Nakakakita! Layunin: Natutukoy ang mga bahagi ng mata at gawain nito. Panuto: Ibigay ang titik na katumbas ng mga hugis sa bawat bilang upang makumpleto ang salita na tumutukoy sa bahagi ng mga mata. Makakatulong ang mga gawain ng mata sa ibaba upang matukoy ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel (pahina 10). Mga gawain ng mata: 1. Ang ________ ay bahaging may kulay na komokontrol sa liwanag na pumapasok sa ating mata. 2. Ang ________ ay hugis bilog at dito pumapasok ang liwanag sa ating mata. 3. Ang ________ ay gitnang bahagi ng mata na nagbibigay ng larawan na makikita sa retina. 4. Ang ________ ay nagsisilbing pansala sa sobrang taas ng liwanag upang makabuo ng imahe at magkaroon ng pokus sa mga bagay na nakikita. 5. Ang ____________ ay tagapag-ugnay ng mensahe ng mata sa utak. 4
Gawain 2: Taingang Nakakarinig! Layunin: Nakikilala ang mga bahagi ng tainga at gawain nito. Panuto: Pag-aralan ang larawan ng tainga sa ibaba. Tukuyin kung anong bahagi ng tainga ang gumaganap sa paglalarawan ng bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel (pahina 10). 1. Ang panlabas na bahagi ng tainga at sumasagap ng tunog 2. Ito ay isang tubo na dinadaluyan ng tunog kung saan nabubuo ang earwax 3. Ito ay isang manipis na balat na gumagalaw at nagba-vibrate kapag ang tunog ay umabot dito 4. Hugis suso na may lamang likido at nakakaramdam ng paggalaw kapag nakakasagap ng tunog 5. Ugat na naghahatid ng mensahe sa utak upang magbigay kaalaman sa tunog na narinig 5
Pag-alam sa mga Natutunan Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel (pahina 10) kung anong bahagi ng katawan o pandama ang tinutukoy sa bawat larawan. Bahagi ng katawan Pandama 1. _______________ Paningin/makakita tainga 2. _______________ 3. _______________ Pang-amoy 4. _______________ Panlasa balat 5. _______________ Tandaan • Ang mata, tainga, ilong, dila, at balat ay mahahalagang bahagi ng ating katawan. Ito ay ginagamit na pandama. Ang mga bahaging ito ay may tiyak na tungkulin. Gumagawa rin ang mga ito ng iba pang bagay. Mahalaga ang wastong pangangalaga ng ating mga pandama. 6
• Ang ating mga mata ay tumutulong upang tayo ay makakita. May iba't-ibang tungkulin ang bahagi nito na binubuo ng cornea, iris, pupil, lens, retina at optic nerve. • Ang ating tainga ay tumutulong upang tayo ay makarinig. Mayroon itong iba't-ibang bahagi na nagtutulungan upang tayo ay makarinig ng mga tunog. Ito ay binubuo ng pinna, ear canal, eardrum, cochlea, at auditory nerve. Sa likod ng eardrum matatagpuan ang tatlong maliliit na buto sa ating tainga, ito ay ang hammer, anvil at stirrup. • Ang ilong naman ang ating pangunahing gamit sa pang- amoy ng mga bagay sa paligid. Ginagamit din ito sa ating paghinga. Ang ilong ay binubuo ng nostrils, nasal cavity, at olfactory nerve o ugat patungo sa utak na nagbibigay ng kahulugan kung ano ang naaamoy. • Ang dila ay isang uri ng pandama na tumutulong upang malasahan ang mga bagay na inilalagay sa ating bibig. Ang lasa ng pagkain ay dumadaan sa taste buds at sa dulo ng mga ugat. Ang mga ugat ang nagdadala ng mensahe sa utak na nagbibigay kahulugan sa lasa ng pagkain. • Ang balat ay ang panlabas na bahagi na bumabalot sa ating katawan. Ito ang ating pananggalang sa pagkaubos ng sobrang tubig, pinsala, at impeksiyon. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng temperatura ng katawan at pandama sa paligid. Binubuo ang balat ng epidermis bilang panlabas na bahagi na ating nakikita at nadarama, at dermis sa ilalim ng balat na sumasaklaw sa blood vessels, nerves, sweat glands, at oil glands. 7
• Ang ating mga mata ay tumutulong upang tayo ay makakita. May iba't-ibang tungkulin ang bahagi nito na binubuo ng cornea, iris, pupil, lens, retina at optic nerve. • Ang ating tainga ay tumutulong upang tayo ay makarinig. Mayroon itong iba't-ibang bahagi na nagtutulungan upang tayo ay makarinig ng mga tunog. Ito ay binubuo ng pinna, ear canal, eardrum, cochlea, at auditory nerve. Sa likod ng eardrum matatagpuan ang tatlong maliliit na buto sa ating tainga, ito ay ang hammer, anvil at stirrup. • Ang ilong naman ang ating pangunahing gamit sa pang- amoy ng mga bagay sa paligid. Ginagamit din ito sa ating paghinga. Ang ilong ay binubuo ng nostrils, nasal cavity, at olfactory nerve o ugat patungo sa utak na nagbibigay ng kahulugan kung ano ang naaamoy. • Ang dila ay isang uri ng pandama na tumutulong upang malasahan ang mga bagay na inilalagay sa ating bibig. Ang lasa ng pagkain ay dumadaan sa taste buds at sa dulo ng mga ugat. Ang mga ugat ang nagdadala ng mensahe sa utak na nagbibigay kahulugan sa lasa ng pagkain. • Ang balat ay ang panlabas na bahagi na bumabalot sa ating katawan. Ito ang ating pananggalang sa pagkaubos ng sobrang tubig, pinsala, at impeksiyon. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng temperatura ng katawan at pandama sa paligid. Binubuo ang balat ng epidermis bilang panlabas na bahagi na ating nakikita at nadarama, at dermis sa ilalim ng balat na sumasaklaw sa blood vessels, nerves, sweat glands, at oil glands. 8
Huling Pagsubok Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa sagutang papel na nasa pahina 10 ng modyul na ito. 1. Aling bahagi ang parang malinaw na salamin na tumatakip sa unahan ng ating mata? A. cornea B. iris C. pupil D. retina 2. Ito ay ang panlabas na bahagi na sumasagap ng tunog na ating naririnig, anong bahagi ng tainga ito? A. cochlea B. ear canal C. eardrum D. pinna 3. Anong bahagi ng ilong ang may dalawang butas at may buhok sa loob na nagsisilbing pansala sa mga duming nalalanghap? A. nasal cavity B. nostrils C. nerves D. ilong 4. Ang sumusunod ay mga panlasa na matatagpuan sa taste buds ng ating dila MALIBAN sa __________. A.maalat B. mapait C. mabango D. matamis 5. Ano ang tawag sa bahagi ng balat na nakikita at nadarama kung saan makikita ang dead skin cells? A. blood vessels B. dermis C. nerves D. epidermis Pagninilay Modyul 1: Damhin Mo ang Kapaligiran PAGNINILAY SA ARALIN BILANG 1 Gawain: I-trace ang katawan sa Manila paper o gumuhit ng katawan sa bond paper (long) sa tulong ng nakakatanda sa tahanan at isulat ang katagang “Ang aking Katawan” bilang pamagat. Magtala sa bawat bahagi ng katawan na ating napag-aralan kung paano mo pangangalagaan ng wasto ang mga ito. 9
10 0