PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT: 5 – JUSTICE PETSA: UNANG BAHAGI PANUTO: Isulat sa patlang ang panghalip na pananong na bubuo sa pangungusap na patanong. Pumili sa mga panghalip na pananong sa kahon. Higit sa isang beses gagamitin ang mga panghalip na ito. sino sinu-sino ano anu-ano kanino nino alin 1. _______________ ang sumundo sa iyo sa istasyon ng bus? 2. _______________ ang relihiyon ng karamihang Pilipino? 3. _______________ galing ang sulat na natanggap mo? 4. _______________ ang mga imbitado sa handaan sa Sabado? 5. Dyaket _______________ ang hawak mo? 6. _______________ ang ginagamit mong sabon na panlaba? 7. _______________ tayo hihingi ng tulong sa paglipat ng mga kagamitan? 8. _______________ ang nagsulat ng kontratang ito? 9. _______________ ang mga gamit na iuuwi natin sa probinsya? 10. Kotse _______________ ang nakaparada sa labas ng gate natin? IKALAWANG BAHAGI PANUTO: Tukuyin ang panghalip panaklaw sa bawat pangungusap. Isulat ito sa guhit bago ang numero sa unahan. _______________1. Sinuman sa inyo ay maaari ko ng tanggapin. _______________2. Kung anuman ang mangyari, dapat ay ipabigay alam ninyo sa guro. _______________3. Anuman ang sabihin mo, hindi ako pupunta sa salu-salo. _______________4. Bawat isa ay dapat magbigay ng kaniyang ideya upang maging maayos ang programa. _______________5. Nilamon ng apoy ang lahat ng bahay sa lugar na iyon. _______________6. Hindi dapat umaasa si Marissa kaninuman sa paggawa ng gawaing bahay. _______________7. Sinuman sa inyo ang mahuling nangongopya ay hindi na makakakuha ng pagsusulit. _______________8. Lahat ay kasali sa paligsahan. _______________9. Nabigla at pawing natulala ang lahat nang lumabas sa entablado ang sikat na banda. _______________10. Ilanman ang papuntahin mong tao sa pagtitipon ay maaari kong pakainin. IKATLONG BAHAGI PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na Panghalip na Pananong at Panaklaw. 1. Sino ________________________________________________________________________________ 2. Anu-ano _____________________________________________________________________________ 3. Alinman _____________________________________________________________________________
IKAAPAT NA BAHAGI PANUTO: Tukuyin kung anong bantas ang dapat gamitin sa mga sumusunod na pangungusap. 1. Pebrero 26 ( ) 2014 2. Liham: Ginoo ( ) 3. Ang magkapatid na Mico at Mika ay kambal ( ) tuko dahil sa kanilang itsura. 4. Opo ( ) doon po ako pupunta. 5. Ang aking mga gagawin ay ang mga sumusunod ( ) takdang aralin sa Filipino proyekto sa Araling Panlipunan pagsusulit sa Matematika 6. Ika ( ) 12 ng Hunyo ang Araw ng Kalayaan.