1. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon? A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala. B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya. C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente. D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya. 2. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Mas higit na napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano ang iyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa. A. Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao. B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan. C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng mamamayan. D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman. 3. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito? A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao. B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon. C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura. D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pangaabuso ng tao. 4. Sa mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng tao sa kasalukuyan na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan. Sa iyong palagay, alin ang pinakaepektibong pagtugon ng tao upang mapanatili ang balanseng ekolohikal sa ating daigdig?
A. Paghahanap ng pabrikang mapapasukan na hindi nagbubuga ng matinding usok. B. Pakikilahok sa mga proyektong nagsusulong sa pagsagip sa lumalalang kalagayang ekolohikal. C. Pananatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa maaaring maidulot ng mga usok ng sasakyan. D. Manirahan sa mga lugar na hindi gaanong apektado ng anumang suliraning pangkapaligiran. 5. Kamakailan lamang ay ipinasara ni Pangulong Duterte ang Boracay upang muling maibalik ang ganda at linis nito, gayundin ang pagpapalinis sa mga ilog sa Kamaynilaan tulad ng Manila Bay, Ilog Pasig at marami pang iba. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang naging hakbang na ito ng Pangulo ng Pilipinas? A. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagmamalasakit ng Pangulo sa pangangalaga ng kalikasan. B. Ito ay nagpapakita ng katapangan ng Pangulo na maisakatuparan ang kanyang mga plano sa pagpapanumbalik ng ganda ng Pilipinas. C. Ito ay mahalaga sapagkat muling mapapanumbalik ang kalinisan at kagandahan ng mga anyong tubig natin na nakatutulong sa pagpapababa turismo ng bansa. D. Ito ay mahalaga sapagkat nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng timbang na ekolohikal ng bansang Pilipinas. 6. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan? A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan. B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad. C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos. D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay. 7. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw ay yaman ng bansa? A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan. B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan. C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan. D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.
8. Ang yamang tao ay katuwang sa pagpapa-unlad ng isang bansa at maituturing na kayamanan. Sa iyong palagay, bakit itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao? A. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunit inaabuso naman kalaunan. B. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kanyang sariling interes at kasiyahan. C. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ng iba ngunit walang sapat na kaalaman upang tugunan ito. D. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman para sa kapakinabangan ng lahat. 9. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa Daigdig. Alin sa sumusunod na bansa ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig? A. India B. Indonesia C. China D. Pakistan 10. Ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay pinangangambahan na magdulot ng ibayong problema sa bansa. Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa? A. Mas dadami ang manggagawang Pilipino. B. Mas lalala ang kahirapan at neagtibong epekto sa kalikasan. C. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao. D. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho. 11. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat sa iyong bansang kinabibilangan? A. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila. B. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mga kabataang hindi nakapag-aral. C. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sa kanilang pag-aaral. D. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mga batang walang kakayahang makapag-aral.
12. Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang poupulasyon, ano ang nakikita nating implikasyon sa usaping pangekonomiya ng isang bansa? A. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa. B. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa, C. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa aspetong medikal. D. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa. 13. Ayon sa Population Commission o PopCom, patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas. Ano sa palagay ninyo ang kahihinantnan ng tao at ng ating bansa kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon? A. Mas magiging produktibo ang mga tao at tataas ang produksiyon ng bansa. B. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya ng bansa dshil ss pangingibang bansa ng mga OFW. C. Mas tataas ang bilang ng populasyon at kakambal nito ang pagkukulang sa pinagkukunang yaman ng pangangailangan ng tao. D. Magkakaroon ng mas maraming oportunidad at hindi na maghihirap ang tao. 14. Isa sa mga nararanasang matinding suliranin ng daigdig natin sa kasalukuyan ay ang suliranin sa basura na siya ring problemang pinapasan ng ating paaralan. Sa iyong palagay, sa mga naging pagtugon ng paaralan, alin ang epektibo upang mabawasan ang mga basura? A. Pagkakaroon ng oplan linis sa loob ng Paaralan. B. Mahigpit na pagpapatupad ng zero plastic policy. C. Pagsasagawa ng recycling sa mga basura. D. Pagkakaroon ng mga Materials Recovery Facility (MRF). 15. Ang Indonesia ay isang bansa na nagsisikap na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon sa kanilang programang Quality Family 2015 subalit maraming naging balakid upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Alin sa sumusunod ang mga naging balakid sa pagpapatupad ng kanilang programa? I. Ang pagkakaroon ng mga lokal na tradisyon at kultura. II. Ang pagiging Islamiko ng karamihang mamamayan. III. Kakulangan ng panahon upang maipatupad ang programa. IV. Ang pagtanggap at kaugalian ng mamamayan sa kanilang bansa. A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, IV
D. I, III, I.