Republic of the Philippines Department of Education Region V – Bicol SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE Camarines Norte National High School Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte FILIPINO 10 Kwarter 2: Ika-6 Linggo Sy 2021-2022 PARALLEL ASSESSMENT Pangalan:_________________________Baitang/Seksyon:________________ A. Panuto: Suriin ang maaring maging wakas ng pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot. _________1. Ang mga magulang ni Queen at Bridget ay pumunta sa palengke upang magtinda ng isda. Habang wala ang kanilang mga magulang ay naglalaro sila ng bahay-bahayan. Nadapa si Bridget at nasugatan. Ano ang maaring maging wakas? a. Magagalit ang kanilang mga magulang. b. Matutuwa ang kanilang mga magulang. c. Magwawalang bahala na lamang ang mga magulang. d. Lahat ng ito _________2. May mahabang pagsusulit si Max sa Filipino sa Lunes. Buong araw ng Sabado at Linggo ay ibinuhos niya ang sarili sa pag-aaral. Hindi siya nakipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Ano ang maaring maging wakas? a. Nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit. b. Nakakuha ng mababang marka sa pagsusulit c. Nagalit ang mga magulang sa nakuhang marka. d. Nalungkot siya sa nakuhang marka sa pagsusulit _________3. Maraming tao ang naapektuhan ng COVID 19. Bumaba ang ang ekonomiya ng bansa at karamihan sa mga tao ay napatigil sa kani-kanilang trabaho. Ano ang maaring maging wakas? a. Nalungkot ang maraming tao. b. Natuwa ang maraming tao. c. Nagsaya ang maraming tao d. Nagdiwang ang maraming tao. _________4. Maagang gumigising si Lolo Abing araw-araw upang pumunta sa kanyang manukan. Matapos niyang patukain ang mga manok ay nililinis niyang mabuti ang kulungan ng mga ito. Ano ang maaring maging wakas? a. Magiging matamlay ang mga manok ni Lolo. b. Magiging sakitin ang mga manok ni Lolo. c. Magiging malusog at masigla ang mga manok ni Lolo d. Magiging payat ang mga manok ni Lolo. _________5. Mabilis ang takbo ng sasakayan ni Rod. Nagmamadali siya dahil mahuhuli siya sa trabaho. Ano ang maaring maging wakas? a. Madaling makakarating si Rod sa trabaho. b. Matatagalan si Rod na makarating sa trabaho. c. Tanghali nang makakarating si Rod sa Trabaho d. Gabi nang makakarating si Rod sa trabaho
Republic of the Philippines Department of Education Region V – Bicol SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAMARINES NORTE Camarines Norte National High School Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte B. Panuto: Basahin Mabuti ang ang talata, bumuo ng sarili mong wakas ng kuwento. (10 puntos) Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon Simula noong binigyan siya ng selpon ng ina niya bilang sorpresa sa pagtatapos niya sa elementarya, nag-iba na si Inday. Sa lahat halos ng oras ay nakababad na siya sa selpon at may nakilala siyang si Rico. Sa kabila ng pagpigil ng ina niyang si Aling Peling, itinuloy pa rin ni Inday ang pakikipagkita kay Rico. (GAMITIN ANG LIKOD NG PAPEL PARA SA IYONG KASAGUTAN)