Q2 ESP6 Written Test 1

Created
Description

WRITTEN WORK #2 in ESP QUARTER 2

Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Name: ________________________________ Grade/Section: ________ Score: _____ School: _______________________________ Teacher: __________________________ SECOND QUARTER Written Test No. 1 PANUTO: Unawain ang mga pangungusap sa ibaba at piliin ang titik ng pinaka- tamang sagot. 1. Bakit dapat pahalagahan ang isang pangako? A. May karangalan itong hatid sa taong nangako. B. Nagpapakita ito ng katapatan ng loob ng isang tao. C. Nalalaman ng tao ang kanyang mabuting intensiyon. D. Naipakikita sa lahat ang kanyang paniniwala sa Diyos. 2. Nangako si Jeremy na babayaran niya ang kanyang utang kay Jose sa susunod na Linggo. Nagkataong may kailangan siyang bilhin para sa sarili. Dapat bang magbayad ng utang si Jeremy kay Jose? A. Hindi po, dahil may pera pa naman si Jose. B. Dapat lamang sapagka’t kailangan din ni Jose ang pera. C. Dapat magbayad si Jeremy bilang pagtupad sa kanyang pangako. D. Hindi po, dahil may kailangan pa siyang dapat bilhin para sa kanyang sarili. 3. Pinangakuan mo si Jenny na iyong kapitbahay na tutulungan mo siya sa paggawa ng kanyang proyekto subalit umuulan noon. Paano mo maipakikita kay Jenny ang iyong pagtupad sa pangako? A. Sasabihan si Jenny na magpatulong na lang sa kanyang kapatid. B. Hihingi ako ng paumanhin kay Jenny sa hindi ko pagtupad sa pangako. C. Babawi na lang ako sa kanya sa susunod na magkaroon ka ng proyekto. D. Pupuntahan ko si Jenny upang tumulong sa paggawa ng iyong proyekto kahit umuulan. 4. Ano ang nararamdaman ng isang taong tumutupad sa kanyang pangako? A. Masaya siya sapagka’t ipinakita niyang tapat siyang tao. B. Magmamalaki dahil maganda ang kanyang pinangakuan. C. Malungkot siya dahil kaaway ang kanyang pinangakuan. D. Nag-aalala dahil baka hindi masiyahan ang kanyang pinangakuan. 5. Alin sa sumusunod ang tunay na nagpapakita ng tapat na pagsunod sa pangako? A. Iba ang pipiliing tumupad ng iyong pangako. B. Tutupad sa pangako labag man sa iyong kalooban. C. Hihingi ng paumanhin kung hindi nakatupad sa pangako. D. Gagampanan nang buong puso ang pangako anuman ang maging hadlang 6. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng may “palabra de honor”? A. Inabot na ng pag-alis si Mary subalit wala pa ang regalo ng kanyang kuya. B. Nagsabi si Mely na magdadala siya ng pagkain sa kanilang pagpupulong at silang lahat ay nagutom. C. Nabanggit ni Konsehal na darating ang ayuda sa hapon subalit gabi na ay walang pang ayudang dumating. D. Nangako si Tatay na magdadala siya ng cake at ice cream sa kanyang pag- uwi at labis ang kanilang kasiyahan at kabusugan ng gabing iyon. SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Worksheet Image

Edukasyon sa Pagpapakatao 6 7. Ano ang maaring epekto ng hindi pagtupad sa pangako? A. Kasiyahan dahil ipinakita mong hindi ka dapat asahan B. Kalungkutan dahil nasira mo ang pagtitiwala niya sa iyo C. Panghihinayang dahil sayang ang iyong ipinangako sa kanya D. Walang epekto dahil hindi naman niya kailangan ang iyong pangako 8. Paano maipakikita ni Ate ang pangako niyang makabuluhang pagdiriwang ng iyong kaarawan? A. Maraming handa at imbitadong bisita ang kasama sa pagdiriwang. B. Ikaw lahat ang mag-aasikaso ng mga paghahanda sa iyong pagdiriwang. C. Sa isang magarang lugar gagawin ang pagdiriwang kasama ang buong pamilya. D. May palaro, regalo, masasarap na pagkain sa pagdiriwang kasama ang pamilya at iyong mga kaibigan. 9. Paano mo mapapahalagahan ang pagtupad ni Ate sa kanyang pangako sa iyong kaarawan? A. Maghahanda ako ng isang regalo na kung saan ako ay magaling. B. Igagawa ko siya ng isang bag na yari sa tagpi-tagping lumang damit. C. Iguguhit ko siya sa isang magandang papel kahit na ito ay di maganda. D. Igagawa ko siya ng isang card ng pasasalamat na may paborito kong awit. 10 Punuan ng akmang salita ang sawikaing ito: Ang taong may “palabra de honor” at isang salita, Tiwala ng tao ang kanyang ____________. A. mapapala. B. mawawala. C. maisasagawa. D. makakasama. 2