UNANG MARKAHAN – MAPEH 5 (HEALTH 5) PANGALAN:________________________________PETSA______________MARKA____________ Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pamamaraan upang makaiwas sa mga problemang mental, emosyonal at sosyal at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _________1. Ang may matalas na pag-iisip ay nakatutulong sa paglutas ng suliranin. _________2. Ang pakikipag-away sa kapwa ay nakatutulong sa emosyonal na kalusugan. _________3. Ang pang-aabuso sa kapwa ay isang mabuting gawain. _________4. Ang pagpapalabas ng sama ng loob ay nakapagpapagaan ng nararamdaman. _________5. Ang problema sa relasyon sa kapwa ay hindi nakaaapekto sa kalusugan ng tao. _________6. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ay nakatutulong sa ating pisikal na kalusugan. _________7. Ang pagkahiwalay sa mga magulang at mga kaibigan ay hindi nakaaapekto sa kalusugan. _________8. Ang pakikilahok sa iba’t ibang gawain ay nakatutulong upang mabawasan ang ating mga problema. _________9. Ang pagiging masayahin at pananalig sa Diyos ay mainam para sa kalusugan ng tao. _________10. Ang paglalasing at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay mainam na paraan sa paglutas ng problema. PANUTO: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat ito sa sagutang papel. _______________________1. Ang (hindi pagkakaunawaan, magandang komunikasyon) sa isa’t isa ay nakapagpapagaan ng loob. _______________________2. Ang pagiging (galit, masayahin) ay mainam sa ating emosyonal na kalusugan _______________________3. Ang (masayang pamilya, pagkahiwalay sa magulang) ay mainam at nakapagpapagaan sa ating mental at emosyonal na kalusugan. _______________________4. Maaaring lumahok sa iba’t ibang (isports, sugalan) para maiwasan ang hindi magandang kalusugang sosyal. _______________________5. Ang pagkakaroon ng (kaibigan, kaaway) ay nakatutulong sa ating kalusugang sosyal.