Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. 1. Anong sistema ng pamamahala ang nakabatay sa katuruan ng Islam ng mga Muslim at pinamumunuan ng isang sultan? A. Sentral B. Komonwelt C. Sultanato D. Barangay 2. Ano ang tawag sa sinaunang pamahalaan ng mga Pilipino na pinamumunuan ng isang datu? A. Barangay B. Sentral C. Kolonyalismo D. Sultanato 3. Sino ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato at ang pasiya niya ay hindi na maaaring mabago pa? A. Datu B. Timawa C. Sultan D. Umalohokan 4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mabigat na kasalanan sa barangay? A. Pagpatay B. Pandaraya C. Pang-uumit D.Pag-awit 5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas sa pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang Pilipino? A. Mahalaga ang batas upang masunod ang ninanais na gawin ng isang tao. B. Ang batas ang nagsasabi kung dapat bang parusahan ang isang tao sa pamayanang nasasakupan. C. Ang mga batas ang nagtatakda kung kalian dapat magbayad ng buwis at pagkakautang. D. Ang mga batas ang nagiging patnubay ng mga sinaunag Pilipino sa pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay.