1 MTB3-Q2-W1 Aralin 1: Ang Aking Tahanan at Pamilya Mga Inaasahan Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na: 1. Nakikilala ang mga panghalip na pananong 2. Natutukoy ang panghalip pananong. (MT3G-IIa-b-2.2.3) 3. Nagagamit ang mga panghalip pananong sa pangungusap Ang mga pagsasanay at gawain ay sasagutan mo sa nakalaang sagutang papel. Paunang Pagsubok Piliin ang panghalip na pananong sa bawat pangungusap. 1. Ano ang ginagawa ng pamilya ninyo kapag mayroong problema? 2. Saan galing ang inumin ninyong tubig? 3. Kailan ipinakikita ng mag-anak ang pagtutulungan? 4. Saan nagpupunta ang pamilya mo tuwing Linggo? 5. Sino ang nilalapitan mo kapag ikaw ay may problema? Balik-tanaw Sagutin ang tanong. Ano ang iyong ginagawa kapag hindi mo alam o mayroon kang hindi naintindihan? Anong mga salitang ginagamit sa pagtatanong? Modyul sa Mother Tongue 3 Ikalawang Markahan: Unang Linggo
2 Pagpapakilala ng Aralin Ang Aking Tahanan at Pamilya Sa araling ito ay matututuhan mo kung paano gamitin ang panghalip pananong. Basahin ang maikling kuwento. Habang naghahapunan kagabi, hindi sinasadyang nabasag ni Gerald ang baso. Agad na inilayo ni Kuya Luis si Gerald sa mga bubog. Nagmamadali naman si Jane na kumuha ng tambo, pandakot at basahan upang malinis agad ang kalat. Nakita nina Tatay at Nanay ang maganda nilang ginawa. Nasiyahan sila sa pagtutulungan ng magkakapatid. (Pinagkunan: Kagamitan ng mag-aaral sa MTB-MLE3, pahina 119) Mga Tanong: 1. Sino ang nakabasag ng baso? 2. Saan nangyari ang kuwento? 3. Kailan tumulong sina Kuya Luis at Jane? 4. Ano kaya ang naramdaman ng kanilang mga magulang? 5. Bakit kaya masaya ang magulang nina Luis at Gerald? Ano-anong mga panghalip pananong ang ginamit ? Kailan gagamitin ang panghalip pananong na sino? Tama, ginagamit ito kung ang itinatanong ay tungkol sa tao. Modyul sa Mother Tongue 3 Ikalawang Markahan: Unang Linggo
3 Kailan ginagamit ang panghalip pananong na saan? Ginagamit ito kung ang itinatanong ay sumasagot sa impormasyon tungkol lugar. Ang panghalip pananong na kailan? Ginagamit ito para sa oras at panahon. Kailan naman tinatanong ang panghalip pananong na ano? Ginagamit ito para sa bagay at pangyayari. Ang mga binanggit na panghalip pananong maliban sa kailan ay pinararami sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga salita. sino sino-sino saan saan-saan ano ano-ano Mga Gawain Gawain 1 Punan ang patlang ng Ano, Saan, Sino, at Kailan upang mabuo ang bawat pangungusap. 1. _________ ang dapat mong gawin upang maiwasang mahawa ng virus? 2. _________ ang ilaw ng tahanan? 3. _________ mo dapat itapon ang nagamit mo ng face mask? 4. _________ ka dapat maghugas ng kamay? 5. _________ ang haligi ng tahanan? Gawain 2 Gumawa ng mga tanong na nagsisimula sa sino, saan, ano at kailan gamit ang sumusunod na pangungusap. 1. Naglalaba si Nanay sa may sapa. 2. Nagbisikleta si Harrel. 3. Nagdasal ang mag-anak ni Mang Leo. Modyul sa Mother Tongue 3 Ikalawang Markahan: Unang Linggo
4 4. Kaarawan na ni Nanay sa makalawa. 5. Bangus ang paboritong isda ni Maricel. Gawain 3 Punan ng angkop na panghalip pananong ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. A. Sino B. Kailan C. Saan D. Ano 1. ______ ang dapat mong gawin upang manatiling malinis ang iyong mga kamay? 2. ______ ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso? 3. ______ ka dapat magtapon ng basura? 4. ______ ang katulong ni Nanay sa mga gawaing bahay? 5. ______ dapat mong kainin upang lumakas ang iyong katawan? Tandaan Matapos mong matutuhan ang aralin, dapat tandaan na ang ano, sino, saan, at kailan ay tinatawag na panghalip na pananong. Ito ay ginagamit sa pagtatanong. • Ang pananong na sino ay tumutukoy sa tao. Halimbawa: Sino ang hinahangaan mong artista? Sino ang kalaro mo sa bahay? • Ang pananong na saan ay tumutukoy sa lugar. Halimbawa: Saan ka pupunta? Saan kayo magsasayaw? • Ang pananong na ano ay tumutukoy sa mga bagay o pangyayari. Halimbawa: Ano ang ginawa mo kanina? Ano ang libangan mo? • Ang pananong na kailan ay tumutukoy sa oras, araw o panahon. Halimbawa: Modyul sa Mother Tongue 3 Ikalawang Markahan: Unang Linggo
5 Kailan namimili ang iyong ina? Kailan kayo mamamasyal? Pag-alam sa mga Natutuhan Basahin ang kuwento at itala ang mahahalagang detalye sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Araw ng Sabado, nagpasiyang pumunta sa sapa ang magkaibigang, sina Rey, Manny, at Pong. Nais nilang mamingwit, kaya wala silang inaksayang oras at nagsimula na. Marami silang nahuling isda na kaagad inilagay ni Rey sa timbang may tubig ang mga isda. Nawiwili pa sina Manny at Pong ngunit tinawag na sila ni Rey. “Malapit nang dumilim, umuwi na tayo.” Pag-aaya ni Rey. Masarap ihawin and sariwang isda para sa hapunan. Nagkasundo ang magkaibigan na babalik silang muli sa Sabado. 1. Sino ang mga nangisda? 2. Saan nila inilagay ang mga nahuli nilang isda? 3. Ano ang ginawa sa nahuling mga isda? 4. Kailan nila planong bumalik? 5. Ano sa palagay mo ang lasa ng inihaw na isda? Sagutin ang mga tanong sa itaas sa tulong ng graphic organizer. Modyul sa Mother Tongue 3 Ikalawang Markahan: Unang Linggo
6 Sino? Saan? Ano? Kailan? Pangwakas na Pagsusulit Tukuyin ang panghalip pananong na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Saan namimili si Nanay ng mga pagkain? 2. Kailan kayo nagsisimba ng pamilya mo? 3. Ano ang ginagawa mo pagkagising? 4. Sino ang dapat magpanatili ng kalinisan ng inyong bahay? 5. Kailan ka naglilinis ng inyong bakuran? Pagninilay May nais ka bang itanong sa iyong kasama sa bahay kung ano ang mga nangyayari sa kapaligiran natin sa ngayon? Gamit ang panghalip pananong na Ano, Sino, Saan at Kailan. Bumuo ka ng pangungusap na nagtatanong. Ano Sino Modyul sa Mother Tongue 3 Ikalawang Markahan: Unang Linggo
7 Saan Kailan Rubrik sa pagwawasto ng gawa. Ang mga tanong na Ang mga tanong na Ang mga tanong na nabuo ay nabuo ay may nabuo ay maayos na napapanahon. paksa at diwa. naisulat. (5) (3) (1) Mahusay! Natutuwa ako na nagawa mo ang lahat ng iyong gawain! Maaari kang makipag ugnayan sa iyong guro sa gawain na hindi naintindihan. Modyul sa Mother Tongue 3 Ikalawang Markahan: Unang Linggo