- Other
- 2 Grade jeanne ebreo
1 MTB2-Q2-W3 Aralin 3: Pagtutulungan ng Pamilya Mga Inaasahan Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na: Nakikilala at nagagamit sa pangungusap ang simile o pagtutulad at metapora (MT2VCD-IIa-i-3.4) Ang mga pagsasanay at gawain ay sasagutan mo sa nakalaang sagutang papel. Paunang Pagsubok Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin kung Simile o Metapora ang ginamit na paglalarawan. _____________ 1. Si Inay ay ilaw ng tahanan. _____________ 2. Ang puso mo ay gaya ng bato. _____________ 3. Si Elena ay isang magandang bulaklak. _____________ 4. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo. _____________ 5. Ikaw ay tulad ng bituin Balik-tanaw Gamit ang imahinasyon, ano ang gagawin ng iyong pamilya kung pupunta kayo sa lugar na nasa larawan? Gumamit ng mga panghalip sa pagsagot sa tanong. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
5 Mistulang binagyo ang ayos ng kaniyang kuwento. Mga Gawain Gawain 1 Mula sa kuwentong inyong binasa sa unang araw ng aralin, sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang pamagat ng kuwento? 2. Paano mo ilalarawan ang iyong ama? 3. Ano ang gampanin ng iyong ina sa inyong tahanan? 4. Ikaw, ano ang gampanin mo sa inyong pamilya? 5. Paano mo maipadarama ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang? Gawain 2 Basahin ang mga pangungusap at ikahon ang salita kung saan inihalintulad ang salitang may guhit. 1. Ang pisngi mo ay kasing pula ng rosas. 2. Ang puso mo ay sing busilak ng puting . 3. Para kang pagong kung kumilos. 4. Basura ang lumalabas sa bibig nya. 5. Ang mata mo ay parang bituin na nagniningning. Gawain 3 Muling balikan ang binasang tula, at bilugan ang mga pagwawangis na ginamit dito. 1. Kay sarap pakinggan ang tinig niyang mala-anghel sa ganda. 2. Luto niyang kay sarap sa panlasa. 3. Haplos ng palad niyang kay lambot. 4. Hulog ng langit si Inay sa aming pamilya. Gawain 4 Basahin ang mga pangungusap. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
6 Isulat ang S kung Simili o Pagtutulad at M naman kung Metapora o Pagwawangis. _____ 1. Ang kalusugan ay natatanging kayamanan. _____ 2. Si Nita ay mistulang makulay na bulaklak. _____ 3. Nagagalit ang langit sa kaniyang kasalanan. _____ 4. Mistulang daga ang alaga niyang aso. _____ 5. Sing bilis ng kidlat ang ginawa niyang pagtakbo. Tandaan Matapos mong matutuhan ang aralin, dapat mong tandaan na ang paghahambing ay may dalawang uri. Ang Simili ay isang di-tiyak na paghahambing na gumagamit ng mga pangatnig. Ang halimbawa ng mga pangatnig ay ang mga sumusunod: parang, tila, tulad ng, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ang Simili ay tinatawag na "Simile" sa Wikang Ingles. Ang Metapora ay ang paghahambing na tiyak ng dalawang magkaibang mga bagay. Ang metapora ay tinatawag ding "Pagwawangis". Sa pamamagitan ng konsepto ng metapora, napaghahambing ang dalawa o higit pa na mga bagay, tao, lugar, pangyayari, at iba pa. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
7 Tandaan na hindi kagaya ng Simile o Pagtutulad, ang metapora ay hindi gumagamit ng mga pangatnig. Pag-alam sa mga Natutuhan A. Mag-isip ng (2) salita na naglalarawan sa isang ina. Gawin ito sa paraang pagtutulad o simile. 1. ________________________________________________________ 2. ________________________________________________________ B. Mag-isip ng (2) salita na naglalarawan sa iyong ama. Gawin ito sa paraang pagwawangis o metapora, 1. _________________________________________________________ 2. _________________________________________________________ C. Mag-isip ng (1) salita na naglalarawan sa iyong Pamilya. Gawin ito sa paraang simile o metapora. 1. _________________________________________________________ 2. Pangwakas na Pagsusulit Tukuyin kung ang pangungusap ay nasa anyong simile o metapora. 1. Ikaw ay parang pagong kung maglakad. 2. Ka boses mo si Sarah Geronimo. 3. Ang ating mga ina ang ilaw ng ating mga tahanan. 4. Parang plaslayt ang iyong mata. 5. Si Lira ay tila angel sa kaniyang kasuotan. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo