MTB 2 Q2 Week 2

Created
    English
  1. Other
  2. 2 Grade
  3. AvatarRossel Subido
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

1 MTB 2-Q2-W2 Aralin 2: Pamilya Ko! Gabay Ko! Mga Inaasahan Nilalayon ng modyul na ito na mahubog ang iyong kakayahan sa kasanayang: 1. Nakasusulat ng talata gamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (MT2C-lla-i- 2.2) 1.1 Panghalip Panao 1.2 Panghalip Pamatlig 1.3 Panghalip Paari sa isang kumbensyunal na pagsulat Ang mga pagsasanay at gawain ay sasagutan mo sa nakalaang sagutang papel. Paunang Pagsubok Magpakuwento sa iyong nanay o tatay ng kanilang masayang karanasan na nagpapakita ng pagtutulungan ng kanilang pamilya noong sila ay mga bata pa. Pagkatapos ay isulat ito ng patalata na may limang pangungusap o higit pa. Gamitin ang iba’t ibang uri ng panghalip sa pagsulat. Pamantayan 5 4 3 2 1 1. Nakasulat ng angkop talata gamit ang salitang panghalip. 2. Ang mga pangungusap ay naisulat nang angkop, kumpleto at nauunawaan 3. Naipapamalas ang pagiging malikhain sa pagsulat ng karanasan 4. Naipapakita ang ganda at linis ng paggawa Balik-tanaw Ating balikan ang iyong natutuhan tungkol sa iba’t ibang uri ng panghalip. Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang letra ng wastong sagot. 1. Nawawala ang aking pitaka. ______ ko lamang inilagay sa tabi ko. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo

Worksheet Image

2 A. Dito B. Doon C. Diyan 2. Nagwawalis si Marlo. ______ ay masipag na bata. A. Siya B. Sila C. Sina 3 . ____ na muna ang bahalang mag-alaga sa kapatid mo. A. Tayo B. Siya C. Ikaw 4. Si Dina at Dino ay magkapatid. _____ ay masunurin na bata. A. Kami B. Ako C. Sila 5. Ako ay ipinanganak dito sa Caloocan. Samantalang ang aking kapatid na si Janice ay ipinanganak _____ sa Cebu. A. dito B. doon C. diyan Pagpapakilala ng Aralin Panghalip na Panao A. Paggamit ng Panghalip Panao Sa araling ito ay subukan mong sumulat ng isang talata gamit ang mga panghalip . Ngunit nais ko muna basahin mo ang pagpapakilala ni Lily sa kaniyang pamilya upang iyong maging gabay. Kumusta! Ako si Lily. Ako ang panganay sa magkapatid. Ang pangalan ng aking tatay ay Francis Reyes. Siya ay isang pulis. Ang pangalan naman ng aking nanay ay Lita Reyes. Siya ay isang guro. Sila ang masisipag naming magulang ni Lito. Si Lito ang aking kapatid. Siya ang katulong ko sa paglilinis ng aming bahay. Masaya kaming nagtutulungan ito ay pagpapakita ng aming pagrespeto at pagmamahal sa aming pamilya. Sagutin mo ang tanong at isulat sa patlang. Ano ang mga salitang may salungguhit? ________________ Ano ang tawag sa mga salitang ito?________________ Nagagamit sa pangungusap ang panghalip na panao upang panghalili sa ngalan ng tao. Halimbawa Ako, ikaw, siya, kami, kayo, sila Panghalip na Pamatlig B. Paggamit ng Panghalip Pamatlig Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo

Worksheet Image

4 “Huwag ninyo kalimutan magpasalamat sa inyong Tita Karen.” Opo Daddy, tatawagan po namin siya upang makapagpasalamat. Sagutin mo ang tanong at isulat sa patlang. Ano ang mga salitang may salungguhit?___________________ Ano ang tawag sa mga salitang ito?_______________________ Ang panghalip paari ay ginagamit na panghalili sa pangalan ng taong nagmamay-ari ng mga bagay, hayop pangyayari o gawain. Pagsulat ng Maikling Talata Bilang paghahanda sa gagawin mong gawain. Pag-aaralan mo ngayon ang simpleng paggawa ng talata. Balikan mo ang talata na nasa Ikalawang Araw ng modyul na ito. Ito ay simpleng talata ukol sa Luneta Park mula sa pagsasalaysay ng isang tao. Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng pangungusap na nagpapahayag ng kaisipan. Gabay sa Pagsulat: 1. May angkop na pamagat. 2. May pasok o indensyon ang simula ng talata, hudyat ng bagong talata. 3. Nailalahad ang paksa o malinaw ang mensahe. 4. Kinakikitaan ng wastong gamit ng bantas 5. Ang mga pangungusap ay magkakaugnay na siyang nagpapaliwanag ng paksa. Mga Gawain Gawain 1: Panghalip Panao Dahil lubos na ang iyong pag-unawa sa paggamit ng panghalip panao, nais kung basahin mo ang pag-uusap ng mag-ina at pagkatapos basahin ay piliin ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong at isulat sa sagutang papel. Dumating si Aling Josefa . May bitbit 1. (siya , sila )na basket. Punung- puno ito ng mga gulay at prutas. Tinulungan 2. (siya, sila) ni Paulina na kaniyang anak 3. “( Ako, Ikaw) na po ang magbitbit ng basket ninyo.” wika niya. “Sige anak, Kumain na ba 4. (kayo, kami) ng kuya mo? “ Opo, Nanay, 5. (Kami, Sila) na po ang nagluto.Tinulungan ko si kuya.” “Kay sipag naman talaga ng mga anak ko.” Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo

Worksheet Image

5 Gawain 2: Panghalip Pamatlig (Dito, Diyan,Doon) Basahin ang usapan na nasa ibaba at lagyan ng wastong panghalip pamatlig na Dito, Diyan, Doon sa bawat patlang. Aling Tina: Nakita mo ba ang aking pitaka? Gina: Opo.(1) ______ po sa ibabaw ng mesa. Gina: Bakit po nanay, saan ka po pupunta? Aling Tina: (2)_____ sa palengke. Darating ang iyong lolo at lola kaya magluluto ako ng masarap na pagkain Gina: Maaari po ba akong sumama? Aling Tina: (3)_____ ka nalang sa bahay. Abangan mo ang pagdating ng iyong lolo at lola. Gina: (4) _____ na lamang po ako sa pintuan mag-aabang sa kanila Aling Tina: Sa loob ng bahay mo na lang sila hintayin sapagkat (5) ____ pa sila sa Makati manggagaling. Gawain 3: Panghalip Pamatlig (Ito, Iyan,Iyon) Alamin ang sinasabi ng tauhan sa larawan. Isulat ang angkop na panghalip pamatlig na Ito, Iyan, Iyon sa bawat patlang. _______ ang aming bahay. Malapit lamang ______ sa aking paaralan kaya hindi ako 1. nahuhuli sa aming klase. _________ ba ang mga aklat na hinahanap mo? Inilagay mo _____ diyan sa ibabaw ng 2. mesa kanina ng tawagin ka ni Nanay. ______ ang akin kapatid na si Lino. Mahilg siya maglaro at gumapang. 3. ________ ang aking paboritong laruan. Lagi ko _______ itinatabi sa aking pagtulog. 4. ________ ang puno ng mansanas napakadaming bunga. ________ ang paborito 5. kong prutas. Gawain 4: Panghalip Paari Basahin mo ang maikling kuwento at salungguhitan mo ang wastong panghalip paari upang mabuo ang maikling kuwento. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo

Worksheet Image

6 Sa Bahay ng mga Lizano Isang umaga abala ang mag-anak na Lizano sa paglilinis ng kanilang bahay dahil sa nalalapit na pista. “Nanay, 1. (Akin, mo) po ba itong pulang damit?” tanong ni Annabel. “Oo anak, sa 2. (iyo, akin) nga iyan,” sagot ng kaniyang nanay. Maraming Salamat po. Ito pong kulay asul, kay kuya po ba ito? “Oo, sa 3. (kaniya, iyo) nga iyan, Ang gaganda naman ng binili ninyong damit para sa 4.( kanila, amin) nanay. Oo naman, Basta’t para sa 5. (inyo, amin ). Laging pinakamaganda ang pipiliin ko. Gawain 5: Pagsulat ng pangungusap bilang paunang gawain sa pagbuo ng talata. Sumulat ng angkop na pangungusap gamit ang Panghalip Paari bilang tugon sa naunang pangungusap. 1. Kanino mo ibibigay ang regalong dala mo? 2. Oo akin nga ang bag na iyan. Salamat at nakita mo. Sa inyo ba ang gulayan na yan? 3. 4. Kanino galing ang iyong tsokolate? 5. Ang bagong bola ay akin. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Ikalawang Linggo