MTB 2 Q2 Week 1

Created
    English
  1. Other
  2. 2 Grade
  3. AvatarRossel Subido
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

1 Aralin 1: Karangalan ng Pamilya ko Mga Inaasahan Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na: 1. Natutukoy ang mga panghalip 2. Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga sumusunod na panghalip: (MT2GA-II-a-e2.2.2) a. Panghalip Pamatlig b. Panghalip Panao c. Panghalip Paari Ang mga pagsasanay at gawain ay sasagutan mo nakalaang sagutang papel. Paunang Pagsubok Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang panghalip? A. Siya B. lapis C. papel 2. Alin sa sumusunod ang panghalip na panao? A. doon B. sila C. natin 3. Alin sa sumusunod ang panghalip na pamatlig? A. Ikaw B. akin C. iyon 4. Alin sa sumusunod ang panghalip na paari? A. Ikaw B. ito C. atin 5. Alin sa sumusunod na panghalip ang dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap, “ _____ ba ng kaibigan ng kapatid ko?” ( taong kausap) A. Siya B. Ikaw C. Sila Balik-tanaw Sagutin ang tanong. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Unang Linggo

Worksheet Image

2 Nagawa mo na bang makapunta sa isang lugar o mamasyal? Sino ang kasama mo? Ano-ano ang mga bagay at hayop na iyong nakita habang kayo ay namamasyal? Maaari mo ba itong isulat sa loob ng kahon. TAO BAGAY HAYOP LUGAR Pagpapakilala ng Aralin Panghalip na Pamatlig (ito, iyan at iyon ) Sa araling ito ay makikilala mo ang mga salitang pumapalit na panturo sa mga tao, bagay, hayop at lugar tulad ng ito, iyan at iyon. Basahin mo ang mga pangungusap. Ito ang aking alkansya. . Salamat! Iyan ang nawawala kong pera. Iyon ang bangko. Ang lugar kung saan maaaring mag- impok ng salapi. 1. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit? 2. Ano ang tawag sa mga salitang ito? 3. Kailan kaya ginagamit ang mga ito sa pangungusap? Halika! at iyong alamin. May mga salitang o katagang panghalili sa pangngalan. Ito ay tinatawag na panghalip. Ang mga salitang may salungguhit na iyong nabasa ay mga salitang pumapalit na panturo sa mga bagay, hayop at lugar na tinatawag na panghalip-pamatlig. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Unang Linggo

Worksheet Image

6 Mga Gawain Gawain1: Panghalip na Pamatlig (ito, iyan at iyon) Piliin ang wastong panghalip sa loob ng panaklong at isulat sa sagutang papel. 1. (Ito, Iyan, Iyon) ang aking manika. 2. (Ito, Iyan, Iyon) ang aming bahay. 3. (Ito, Iyan, Iyon) ang paborito kong libro. 4. (Ito, Iyan, Iyon) ang bago naming lamesa. 5. (Ito, Iyan, Iyon) ang aming paaralan. Gawain 2: Panghalip na Pamatlig (dito, diyan,doon) Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na panghalip na pamatlig. Pillin ang sagot sa kahon. dito diyan doon 1. _________ ko ilagay ang aking salamin.(malapit sa taong nagsasalita) 2. Papunta kami ________ sa bahay ninyo ngayon (malapit sa taong kausap) 3. ________ tayo sa probinsiya magdiriwang ng iyong kaarawan. (malayo sa dalawang taong nag-uusap) Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Unang Linggo

Worksheet Image

7 4. ______ sa lugar na iyon itatayo ang bagong mall. (malayo sa dalawang taong nag-uusap) 5. Ang ganda ng tanawin _________. ( malapit sa taong nagsasalita) Gawain 3: Panghalip Panao A. Panuto: Basahin mo ang mga hanay na salita. Piliin ang wastong panghalip panao sa loob ng panaklong at isulat sa sagutang papel. 1. (Ikaw, Ako, Tayo) ay parehong mahal ni nanay. 2. Julian, (ko, ikaw, ka) daw ang nais makausap ni Gng. Dela Cruz. 3. Gaganda ang ating ekonomiya kung (nila,tayo,ako) ay magkakaisa sa pagtangkilik ng sariling produkto. 4. Si Angela ay mabait. (Sila, Siya, Ikaw) ay kinagigiliwan ng lahat. 5. (Ako, Tayo, Sila) ang aking kasama sa patimpalak sa pag-awit. B. Gumawa ng pangungusap mula sa mga sumusunod na panghalip. 1. Tayo=__________________________________________________ 2. Amin=_________________________________________________ 3. Ikaw=__________________________________________________ 4. Sila=___________________________________________________ 5. Siya=__________________________________________________ Gawain 4- Panghalip na Paari Panuto: Kopyahin ang pangungusap sa sagutang papel. Ikahon ang mga panghalip paari at salungguhitan ang bagay na inaari o inaangkin sa mga sumusunod na pangungusap. 1. Ang mga laruan ay para sa atin. 2. Makintab ang kaniyang sapatos. 3. Aries, napakabango ng iyong panyo. 4. Nag-aabang sa beranda ang aking nanay. 5. Pakiligpit naman po ang damit namin sa cabinet. Tandaan Matapos mong matutuhan ang aralin, dapat mong tandan ang sumusunod: Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Unang Linggo

Worksheet Image

9 Pangwakas na Pagsusulit Tukuyin ang sumusunod na pangungusap kung ito ay panghalip panao, paari o pamatlig. 1. Sila ang aking mga kaibigan. 2. Iyo ba ang lapis na nasa lamesa? 3. Nakita ko iyan sa likod-bahay. 4. Sa akin ang ginintuang pulseras na hawak ni Linda. 5. Doon ang aming hardin. Pagninilay Gamit ang iyong mga natutuhan sa panghalip, sumulat ng ilang pangungusap na nagpapakilala ng iyong pamilya. Gawin sa hiwalay na papel. 5 puntos 3 puntos 1 puntos Nakasunod sa panuto at Nakagawa ngunit Hindi natapos ang gawain. nakapagpasa sa mayroong kaunting takdang oras pagkukulang Mahusay at nasagutan mo ang mga gawain! Ito ay ang iyong gantimpala! Sa susunod natin pagkikita sa online sabihin mo kung saan bahagi ng aralin ka nahirapan. Modyul sa Mother Tongue 2 Ikalawang Markahan: Unang Linggo