MATHEMATICS 2 Quarter 2 Week 3 PANGALAN: ___________________________ Baitang at Pangkat: __________ Kasanayan: Solves routine and non-routine problems involving subtraction of whole numbers including money with minuends up to 1000 using appropriate problem-solving strategies and tools. (M2NS-IIc-34.2) Inaasahan Ang modyul na ito ay ginawa upang lubos na maunawaan kung paano lutasin ang suliranin gamit ang mga konsepto at kasanayan sa paglutas ng suliranin. Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay makalulutas ng mga suliranin (routine at non- routine) gamit ang pagbabawas. Unang Pagsubok Basahin nang mabuti at suriin ang sumusunod na suliranin. Lutasin ang mga ito gamit ang tamang paraan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa malinis na papel. 1. Si Roy ay bumili ng laruan sa halagang ₱590.00. Ibinigay niya ng ₱1000.00 sa tindero. Magkano ang magiging sukli niya? A. ₱410 B. ₱400 C. ₱415 D. ₱500 2. Si Popoy ay may 574 na goma. Ipinamahagi niya ang 123 piraso nito sa kanyang mga pinsan. Ilang goma na lamang ang natira kay Popoy? A. 450 B. 451 C. 452 D. 453 3. Kaarawan ni Kim. Kung mayroon siyang 17 na batang bisita at mababa ng 8 ang bilang ng mga nakatatandang bisita, ilan ang nakatatanda niyang bisita? MATH 2 QUARTER 2 WEEK 3 P a h i n a 1 | 10
A. 8 B. 9 C. 10 D. 11 4. Kung si Dan ay may ipon na ₱395.00 at si Tom ay mas mababa ng ₱50.00 ang ipon kaysa kay Dan, magkano ang ipon ni Tom? A. ₱350 B. ₱348 C. ₱345 D. ₱343 5. Sa isang kaing ay may 287 na mangga. Kung 112 dito ay hinog na, ilan ang hilaw pa? A. 170 B. 172 C. 173 D. 175 Balik-tanaw Panuto: Isulat ang tamang sagot. 37 56 1. - 23__ 2. - 49_ 87 4. - 11 26 3. 74 5. - 12 - 15_ Maikling Pagpapakilala ng Aralin Ngayon ay matututunan mo ang mga hakbang sa paglutas ng word problem. Basahing mabuti ang mga paliwanag upang matutunan mo ang mga hakbang. MATH 2 QUARTER 2 WEEK 3 P a h i n a 2 | 10
1. Si Letlet ay may petshop. Noong nakaraang linggo, 45 na goldfish ang kaniyang naibenta. Ilang goldfish ang natira sa petshop kung ang kabuoang bilang ng goldfish ay 96? 2. Nagtitinda ng mga bulaklak sina Pia. Noong nakaraang Valentine’s Day, nakapagbenta sila ng 514 na piraso ng puti at pulang rosas. Kung 116 dito ay puting rosas, ilan naman ang pula? 3. Kung ang isang dosenang itlog sa tray ay naglalaman ng 12 na piraso ng itlog, ilan pa ang kulang na itlog upang makabuo ng 3 dosena kung mayroon ka ng 15 na itlog? 4. Si Marivic ay mayroong 77 manika. Ibinigay niya ang 58 na piraso sa mga batang nasalanta ng bagyo. Ilan na lamang ang natira sa kanya? 5. Si Jose ay bumibili ng mga bote mula sa mga bahay-bahay. Noong isang Sabado ay nakabili siya ng 117. Noong Linggo naman ay nakabili siya ng 133. Ilan ang lamang ng piraso ng boteng nabili noong Linggo kaysa noong Sabado? Gawain 2: Basahing mabuti ang mga suliranin at sagutin ang mga tanong. Ang Pamilya Padilla sa Mall Noong nakaraang linggo, ang pamilya Padilla ay pumunta sa isang mall upang mamili. Si Angelic ay bumili ng isang manika na nagkakahalaga ng ₱670. Binigyan niya ng ₱1000 ang kahera. Magkano ang sukli na kaniyang natanggap? 1. Ano ang tinatanong sa suliranin? ____________________________ 2. Ano-ano ang datos sa suliranin? _____________________________ 3. Anong operation ang dapat gamitin? ________________________ 4. Ano ang mathematical sentence? ___________________________ 5. Ano ang tamang sagot?____________________________________ MATH 2 QUARTER 2 WEEK 3 P a h i n a 6 | 10
Ang kaniyang kuya na si Cliff ay bumili rin ng isang modelo ng kotse at eroplano na nagkakahalaga ng ₱1,200. Siya ay mayroong ₱500 at binigyan siya ng kaniyang tatay ng ₱1, 000. Magkano ang sukli na kaniyang natanggap? 1. Ano ang tinatanong sa suliranin? ____________________________ 2. Ano-ano ang datos sa suliranin? _____________________________ 3. Anong operation ang dapat gamitin? ________________________ 4. Ano ang mathematical sentence? ___________________________ 5. Ano ang tamang sagot?____________________________________ Tandaan Sa paglutas ng suliranin o word problem laging isaisip ang mga sumusunod na paraan o hakbang: Unang hakbang: Unawain ng mabuti ang suliranin. Ikalawang hakbang: Planuhin kung ano ang dapat gawin. Ikatlong hakbang: Isagawa ang plano. Ikaapat na hakbang: Itsek kung tama ang sagot. Pag-alam sa mga Natutuhan Upang higit pang mapaunlad ng iyong kasanayan, lutasin ang mga sumusunod na suliranin. 1. Si Vic ay may 80 lapis. Ang 56 ay kaniyang ibinigay sa kaniyang mga pinsan. Ilang lapis ang natira? 2. Ang baon ni Rey ay ₱20.00. Ang baon ni Kiko ay doble ng baon ni Rey. Magkano ang lamang ng baon ni Kiko kaysa baon ni Rey? 3. May 412 na batang scouts ang sumama sa camping. Kung 214 ay mga babae, ilan ang mga lalaki? 4. Sa pagpupulong ng mga magulang sa paaralan. May 727 na magulang na dumalo. 215 dito ay mga lalaki. Ilan naman kaya ang mga babae? MATH 2 QUARTER 2 WEEK 3 P a h i n a 7 | 10