Maikling Pagsusulit sa mga Kabihasnan sa Greece

Created
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

Maikling Pagsusulit sa mga Kabihasnan sa Greece Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag o katanungan sa loob ng 10 minutes. Ang bawat estudyante ay dapat nakapasok sa Mentimeter app gamit ang code na binigay. _______1. Sa islang ito lumitaw ang unang kabihasnan o sibilisasyon sa bansang Gresya. _______2. Ang kabihasnang ito ay may makakapal at matataas na pader na nakapalibot sa buong komunidad na nagsilbing proteksyon sa mga mananalakay. ______3. Siya ay isang German na arkeologo na nakatuklas sa guhong labi ng Mycenaea. ______4. Tanyag ang digmaang ito dahil sa paggamit ng dambuhalang kabayo na gawa sa kahoy na naglalaman ng mga mananlakay at sinira ang Troy. ______5.Ito isang nilalang na handog ni haring Aegeus kay haring Minos bilang isang tributo na may ulo ng toro at katawan ng tao. ______6. Siya ang pinaniniwalaan ng mga Mycenaean na pinakamakapangyarihang diyos at naghahari sa iisang pamilya ng mga diyos at diyosa. ______7. Dito naimpluwensiyahan ang mga Minoans sa paggawa ng mga sandata na gawa sa metal tulad ng trident, double axe, at figure-of-eight shield. ______8. Ang panahon na kung saan walang tigil ang digmaan at tuluyan nang bumagsak ang kabihasnang Mycenaean. ______9. Siya ay isang English na arkeologo ang nakadiskubre sa lungsod ng Knossos sa Crete nong 1899. ______10. Ito ang tawag sa mural painting ng mga Minoan na kadalasang Bull Dancing ang iginuguhit. ______11. Ano ang tawag sa digmaang namagitan sa Athens at Sparta? ______12. Siya ang pinuno noong Ginintuang Panahon o Golden Age ng Athens. ______13. Sa laranganng ito naging tanyag sina Plato, Socrates at Aristotle. ______14. Ito ang pagsusulat o paguulat sa mga kaganapan ng nakaraan. ______15. Ang imperyong galing sa Asya na ilang ulit sinalaky ang Greece ngunit hindi ito nagtagumpay.