- Other
- 7 Grade Philip Devida
Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________________ Guro:_____________________________ Basahin at unawain ang mga seleksyon. Mga Taong Nagtagumpay sa Kabila ng Kapansanan Si Helen Keller ay tanyag sa larangan ng pagsusulat. Marami na siyang naisulat na tulang kinagigiliwan ng maraming tao. Ngunit siya ay bulag at bingi. Dahil sa isang malubhang sakit noong siya ay labinsiyam na buwang gulang pa lamang, naapektuhan ang paningin at pan dinig niya. Ngunit di ito naging hadlang upang matuto siya ng mga kailangan niya bilang isang ordinaryong bata. Dinadala siya ng kanyang ina sa isang maliit na paaralan upang matuto. Sa tulong ng kanyang gurong si Anne Sullivan, natuto siyang bumasa at sumulat. Ang kanyang marubdob na hangaring matuto sa kabila ng kanyang kapansanan ang nagha tid sa kanya sa tagumpay. Nakatapos siya ng pag-aaral at nakakuha ng mataas na karangalan. Kinilala siya bilang isang tanyag na manunulat sa buong mundo. Ilan sa kanyang mga isinulat ay ang "The Story of My Life" at ang "Out of the Dark." Si Grace Padaca ay isang babaeng naging tagumpay sa larangan ng pu litika. Isa siyang galing din sa maraming pagsubok sa buhay. Isang babaeng naging biktima ng sakit na polyo. Maraming pinagdaanang pagsubok sa buhay ngunit di siya nagpatalo sa mga ito. Ginawaran siya ng karangalan ng Ramon Magsaysay Award. Ito ay binibigay sa mga taong nagbigay ng magandang halimbawa at inspirasyon sa mga tao tungkol sa mabubuting gawain para sa kapwa. Sa kabila ng kapansanan, natalo niya ang dating nanunungkulan sa Isabela bilang gobernador. Tinapos niya ang termino ng kasalukuyang pinuno sa isang malinis na halalan at nagtamo siya ng malaking bilang ng boto bilang bagong gobernador ng Isabela. Sa kabila ng hirap ng kalagayang pampisikal, hindi ito naging hadlang sa kanya upang ipaglaban ang adhikain laban sa katiwalian sa pamahalaan sa papamagitan ng paghuli at pagsawata sa illegal logging. Hindi man siya bingi, nagtayo rin siya ng Foundation for the Deaf bilang pagbibigay ng inspirasyon sa mga may kapansanan sa pandinig na ituloy ang kanilang pangarap sa buhay sa kabila ng kanilang kalagayan. "Utak ng Himagsikan"...Ito ang taguri kay Apolinario Mabini. Kilalang bayani ng lahing Pilipino. Ipinanganak ng mga pulubing magulang at iniratay siya ng sakit ng pagiging paralitiko. Sa kabila ng kapansanan, hindi pinanghinaan ng loob si Mabini. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at nakapagtapos ng kolehiyo bilang isang working student. Naging guro siya, abogado at naging hukom. Naging manunulat din sa mga babasahin noong panahon ng Kastila. At lumaban siya sa mga Amerikano. Naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo. Binago niya ang batas at paraan ng pamamahala sa gobyerno. Siya ang gumawa ng Saligang Batas noong nag pulong ang mga Pilipino sa Barasoain, Malolos Bulacan.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Paano mo ilalarawan sina Helen, Grace at Mabini bilang tao? 2. Kung ikaw ang nasa kanilang kalagayan, ano ang iyong mararamdaman bilang isang taong may kapansanan? 3. Sagabal nga ba ang mga kapintasan, kahinaan at kakulangan ng isang tao sa pagkamit ng kanyang mga pangarap? Bakit? 4. Paano mo gagawing kapaki-pakinabang ang iyong mga kahinaan bilang daan sa iyong tagumpay? Isulat sa unang kolum ang iyong itinuturing na mga kahinaan. Sa ikalawang kolum, ilagay ang mga paraan kung paano mo ito mapapaunlad sa tulong ng iyong mga kalakasan bilang isang kabataan. Mga Kahinaan Ko Mga Paraan upang mapalakas ito