FILIPINO 9 IKALAWANG MARKAHAN – GAWAIN 5 Panuto:Ibigay ang kahulugan ng tambalang salita at idyomang may salungguhit sa pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot. Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang. a. walang pera e. mag-uumaga h. ina b. patay na f. mapagmaliit i. mabagal c. kaibigan g. anak sa labas j. asawa d. mahina ang ulo __________ 1. Madalas siyang tinutukso na putok sa buho. __________ 2. Sadyang mapurol ang utak ng batang ito kaya kahit napakasimpleng tanong ay hindi masagot. __________ 3. Magbubukang-liwayway nang kami ay umalis ng bahay. __________ 4. Ipakikilala ko sa inyo bukas ang aking kapilas ng buhay. __________ 5. Siya ay nagkaroon ng kaibigang matapobre. __________ 6. Hindi siya tulad ng kanyang mga kaibigang maraming pera sapagkat siya ay palaging butas ang bulsa. __________ 7. Matagal ko na siyang kahiramang suklay. __________ 8. Lakad-pagong ang kanyang ginawa kaya natagalan siya sa pagdating. __________ 9. Ang ilaw ng tahanan ang nag-aalaga sa mga anak samantalang ang haligi ng tahanan ang naghahanapbuhay para sa pamilya. __________ 10. Pantay na ang mga paa ni Ben nang maabutan naming sa kanilang bahay.