FILIPINO 7 IKALAWANG MARKAHAN – GAWAIN 1 & 2 GAWAIN 1 Pauto: Tukuyin kung ang salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap ay payak, maylapi, tambalan o inuulit. 1. Mahalaga para sa akin ang pakikiisa sa anumang layunin ng paaralan. 2. Bawat araw at ang mga panahong nagdaan na malayo ka sa akin ay binibilang ko. 3. Bagamat nahihirapan kami sa buhay ay naroon parin ang pag-asa na balang araw ay makakaahon din sa kahirapan. 4. Gabi-gabi kong pinag-iisipan ang maaaring dahilan ng iyong paglayo. 5. Mahirap magmahal ng taong hindi ka naman mahal. 6. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi kailangang ipagmalaki kanino man. 7. Ang Pasko ay hindi lamang para sa mga bata kundi para sa lahat din ng naniniwala rito. 8. Ang pagbibigay na walang hinihinging kapalit ay tanda ng pagmamahal sa Diyos. 9. Kailangan ng bawat isa ang maging matatag sa kabila ng kanyang dinaranas na kalupitan sa kamay ng mga banyaga. 10. Sama-sama ang mga kabataan sa paglilinis ng nasirang paaralan. GAWAIN 2 Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang bawat salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Sila na ang bahala sa mga biktima ng bagyo sa Compostela Valley at Cateel. 2. Malapit na silang magkita ng kanyang mga tunay na magulang. 3. Ano ang dapat gawin upang higit na matulungan ang mga biktima ng bagyo? 4. Ipinagatulot ni Andres ang kanyang pagsasalitaupang malinaw na maiabot ang mensahe sa mga kausap. 5. Alin sa mga aumusunod ang dapat nating bilhin?
6. Mas masarap makihalubilo sa kanila na may malawak na pag-unawa sa pagpapatakbo ng negosyo. 7. Ang madla ay nakikiisa sa hangarin ng pangulo ng bansa. 8. Ang lahat ay nagnanais ng pagbabago sa sistema ng pamahalaan at pag-iisip. 9. Mahirap lamang ang buhay nila kung kaya hindi nila kakayanin ang magarbong handaan. 10. Magkano ba ang hinihingi nila sa bangkang ito?