Filipino 2 Q2 Week 3

Created
    English
  1. Other
  2. 2 Grade
  3. Maria Corazon Manalang
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

2 Balik-tanaw Halika at bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa nakaraang aralin. Isulat ang P kung patinig, K kung katinig, KK kung kambal- katinig at D kung Diptonggo ang mga salitang may salungguhit sa loob ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ako ay may bagong blusa. 2. Binigyan ko ng aklat ang aking kapatid. 3. Nabasag ni Kuya ang plato. 4. Kulay dilaw ang hinog na mangga. 5. Ang rosas ay paborito ni inay. Sipiin nang wasto at maayos ang mga salita sa paraang kabit-kabit. Sundan ang modelo na nasa ibaba. Pagpapakilala ng Aralin Ngayon naman ay nais kong basahin mo ang maikling kuwento at sagutin ang kasunod na mga tanong: “Kayang-kaya ko pala!” ni Josephine Grace F. Ubina Si Sean ay isang batang masipag at masunurin. Madalas siyang nakikitang nagbabasa at nagsusulat sa kanilang kuwarto tuwing walang pasok. Lunes sa klase ni Binibining Grace sila ay nag-aaral tungkol sa pagsulat ng cursive o kabit-kabit. “Tandaan mga bata sa pag - sulat ng cursive o kabit- kabit na mga salita narito ang mga paraan” ✓ Hawakan nang maayos ang lapis. ✓ Iayos ang sulatang papel sa desk. ✓ Magsulat mula pakaliwa-pakanan. Modyul sa Filipino 2 Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo