FILIPINO 10 IKALAWANG MARKAHAN – GAWAIN 1 & 2 Gawain 1. Tukuyin kung anong bantas ang ginamit sa bawat bilang. 1. Mahal kong kaibigan, 2. Ika-4 ng Enero 3. Mahal kong Punongguro: 4. Iba’t ibang paksa 5. Bb. Diane 6. Nandito na ba siya? 7. Naku! 8. Aaraw-arawin 9. “Ang kabataan ang pag-asa ng byan.” 10. Ilagay mo ang gamit mo rito. Gawain 2 A. Salungguhitan ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang sumusunod na mga pahayag. 1. Kanta (ng, nang) kanta si Estella sa kaarawan ni Von kagabi dahil masayang. masaya ito. 2. Dadaan sa may (hagdan, hagdanan) ang mga bisita ni Jose. 3. (Kung, Kong) nais mong magtagumpay sa buhay, tigilan mo na ang paglalasing. 4. (Walisan, Walisin) mo ang silid-aralan pagkatapos ng klase. 5. Malamang ay hindi (din, rin) niya alam kung ano ang nangyari sa kanyang ina. 6. (Pahirin, Pahiran) mo ng mantikilya ang tinapay na dala niya.
7. (Subukin, Subukan) mong ilipat ng ibang chanel ang telebisyon at natitiyak kong pagagalitan ka niya. 8. (May, Mayroon) na akong bagong biling cell phone. 9. Bukas (ooperahin, ooperahan) na si Gramie sa kanyang binti. 10. Itikom mo ang iyong (bunganga, bibig) kapag may nagsasalita.