Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang P kung nagsasaad ng pagdamay sa kapuwa at HP kung hindi pagdamay. _______1. Nagtago ka nang makita mong uutusan ka ng iyong nanay na tulungan ang iyong kapatid sa paglikom ng mga lumang damit mula sa mga kapitbahay na ipamimigay sa mga nasalanta ng baha sa kabilang barangay. _______2. Pinagtawanan mo ang iyong kamag-aral na nadulas sa pasilyo ng paaralan. _______3. Pinagsabihan mo ang iyong kaibigan na hindi maganda ang nakikipagtalo sa kapuwa ninyo mag – aaral. _______4. Nakipaglaro ka sa isang batang nakita mong nag-iisang nakaupo sa ilalim ng puno. _______5. Tumanggi kang tumulong na makipag-away sa kaaway ng pinsan mo. _______6. Lumapit ka sa kapatid mo at iniabot sa kaniya ang laruan na nakalagay sa itaas ng cabinet. _______7. Binasag mo ang pasong ginawa ng isa mong kamag-aral dahil galit ka sa kaniya. _______8. Tinulungan mong magbungkal ng lupa ang isa mong kamag-aral sa paghahalamanan dahil hindi niya alam kung paano ito ginagawa. _______9. Nakita mong itinulak ng kamag-aral ninyo ang nakababata mong kapatid habang hindi nakatingin ang kanilang guro. Ipinaalam mo sa guro ang nakita mo. _______10. Sinamahan mong manood ng concert ang iyong kaibigan sa halip na tumulong sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga biktima ng sunog. Masaya ako at natapos mo ang gawaing ito! Ngayon ay handa ka na sa pagtuklas ng karagdagang kaalaman. 10 CO_Q2_EsP5_Modyul 1