- Other
- 1 Grade agnes esmeralda
Quarter 2 ILUGIN ELEMENTARY SCHOOL Written Work #1 ESP 1
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. 1.Kadarating lang ng iyong tatay galing sa trabaho. Ano ang gagawin mo upang maalis ang kanyang pagod? A. Bibigyan ko siya ng tsinelas at damit B. Sabihan si tatay na kumain muna at magpahinga C. Tawagin si nanay upang ipaghanda siya ng pagkain
2. Naghuhugas ng kinainan si nanay .Ano ang sasabihin mo upang matapos agad siya sa kanyang ginagawa? A. “Nanay, naghuhugas ka ba ng pinggan?” B. “Nanay, ako na po ang magpupunas ng pinggan” C. “ Nanay, kukunin ko ang mga pinaggamitan na pinggan”
3. Inutusan ka ng iyong Nanay na ayusin ng iyong laruan. Ano ang sasabihin mo kay Nanay ? A.“Opo, Nanay, aayusin ko po ang aking laruan”. B.“Si Ate na lang po ang mag-aayos ng aking laruan.” C. “Mamaya ko na po aayusin ang aking laruan, Nanay.”
4. Kinukumusta ng iyong tatay ang tungkol sa iyong proyekto. Ano ang maaari mong isagot sa kanya.? A. “Matatapos na ako sa aking proyekto.” B. “Nakapagpasa na po ako ng aking proyekto.” C. “Kailangan ko pang bumili ng mga gamit para sa proyekto.”
5. Ang iyong magulang ay ginabi ng uwi dahil sa matinding traffic. Wala pa kayong hapunan. Ano ang gagawin mo? A. Gigisingin si Lola para magluto. B. Bibili na lamang ng pagkain sa tindahan. C. Tutulungan si Ate na magluto ng hapunan.
6. Nawalan ng hanapbuhay si tatay. Ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa kanya? A. Hihingi ng tulong sa kaibigan. B. Bibili kung ano lamang ang kailangan. C. Sasabihan ko ang aking kapatid na magtipid.
7. Pupunta ng kusina si Lola upang kumuha ng maiinom na tubig ngunit hindi siya makalakad nang maayos.Ano ang sasabihin mo sa kanya? A. Bibili po ako ng tubig sa tindahan. B. Ako na po ang kukuha ng maiinom na tubig C. Si kuya na po ang kukuha ng maiiinom na tubig
8. Nagwawalis ang iyong kapatid nang mahulog ang kanyang hikaw, hindi nya alam kung saan ito hahanapin , ano ang gagawin mo? A. Walisan ang kuwarto upang makita ito. B. Kumuha ng flashlight upang madali itong makita. C. Sabihin sa nanay na nahulog ang hikaw ng iyong kapatid.
9. Nakita mong nadapa at nasugatan ang iyong kapatid habang siya ay tumatakbo. Ano ang gagawin mo? A. Pagsasabihan ko si Kuya. B. Sasabihin ko kay Nanay na nadapa si Kuya C. Tutulungan ko si Kuya na magamot ang kanyang sugat.