ESP 5 QUARTER 2 WEEK 1

Created
    English
  1. Other
  2. 5 Grade
  3. LUDILYN S. MAYRINA
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

Suriin Ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad ay mahalaga upang makapagligtas ng buhay. Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay nakatutulong din para sa kaligtasan ng marami. Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang tao na nasa kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugan na wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na hindi na mangangailangan ng tulong ng iba. Ang bawat isa ay nangangailangan ng tulong at may kakayahan ding tumulong sa kahit na maliit na paraan. Ang mga kabataang katulad mo ay may kakayahan ring tumulong at dumamay sa kapuwa lalo na sa panahon ng kalamidad o hindi inaasahang pangyayari. Ilan sa maaari ninyong gawin ay ang pamumuno sa paglikom ng donasyon at paghihikayat sa mga kabataan sa inyong pamayanan na makiisa sa pagbabalot at pamamahagi ng mga bagay–bagay na makatutugon sa pangangailangan ng mga taong naapektuhan. Bukod dito ay marami pang ibang kapaki–pakinabang na gawain na maari ninyong magawa upang makapagbigay ng tulong. Ang pagtulong sa kapuwa ay hindi lamang limitado sa mga materyal na bagay. Maaari rin itong maipakita at maipadama sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala tungkol sa mga kalamidad at pagkakalat ng mga lehitimong impormasyon tungkol dito. Sa pamamaraang ito ay may maiaambag ka para maiwasn ang mga di kanais- nais na pangyayaring magiging dulot nito. Hawak kamay na solusyonan ang bawat problema para sa kaligtasan at sa ikauunlad ng bawat isa. Pagyamanin Basahin ang kuwento at tandaan kung paano naghahangad na makatulong ang dalawang kabataan sa mga kapuwa nila Pilipino. Isulat and sagot sa iyong kuwaderno. Tulong Para sa mga Biktima ng Bagyong Yolanda Ni: Constancia Paloma Ang paggawa ng gomang bracelet ay isang aliwan para sa maraming mga bata, subalit hindi ito ang dahilan ng dalawang kabataan na sina Malaya at Tala David upang gumawa ng maraming bracelet, sapagkat ipinagbili nila ito at nakalikom sila ng pondong 100 libong dolyar para sa mga biktima ng bagyong “Yolanda”. Ang pondong naipon ng sampung taong gulang na si Malaya David at ng kaniyang 13 taong gulang na kapatid na si Tala, parehong ipinanganak sa Berkeley, 6 CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 5_ Module 1

PANGALAN
BAITANG
STUDENT NUMBER
Worksheet Image

California, USA, ay nagbigay ng donasyon upang makapagtayo ng paaralan na may apat na silid sa Maribi, Tanauan, Leyte, isa sa mga lugar na nasalanta ng malakas na bagyong Yolanda na may international name na Haiyan noong Nobyembre 8, 2013. Ang nangunguna sa rehabilitasyon na si Panfilo “Ping” Lacson ang nagkuwento ukol sa dalawang kabataang ito sa panayam sa radyo. Nang nakita nila sa balita sa CNN ang naganap na pagkasira sa Leyte, nagsabi ang dalawang bata sa lolo nila habang naghahapunan. “Lolo, gusto naming makalikom ng $100,000 o halos P4,578,000 upang ibigay sa Tanauan, Leyte. Kasi nakita nila yung sitwasyon,” sabi ni Kalihim Lacson. “Kaya nagbenta sila online. Alam mo ba yung rubber band bracelet na uso sa mga bata? Nagbenta sila ng mga iyon. Ang nalikom nila ay $100,000 o halos P4,578,000,” sabi niya. Ayon din sa kalihim, sa isang text message, ang Malaya-Tala Fund ay nakalikom ng $135,000 o halos P6,180,300 na ginamit din na pambili ng school supplies bilang donasyon sa ibang mga paaralan --- San Roque at Sto. Nino Elementary Schools, parehong nasa Tanauan, Leyte. Dagdag pa ng kalihim na ang lolo ng mga bata na si Amado David, ay personal na nagtungo sa probinsiya upang dumalo sa groundbreaking ceremony ng paaralan kung saan ikinuwento niya kung paano nakalikom ng malaking pondo ang kaniyang mga apo. “Ang pakikinig sa kuwento ng lolo tungkol sa dalawang bata ay nakakapanindig-balahibo,” sabi ni Kalihim Lacson. Ayon pa sa kaniya, ang kuwento ng dalawang bata ay magsilbi sanang inspirasyon o motibasyon sa lahat upang tumulong sa mabilis na rehabilitasyon ng mga lugar na nasira ng bagyong Yolanda. Kinuha mula sa Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Batayang Aklat sa EsP 5, pahina 63-64 Gawain A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kapirasong papel ang sagot. 1. Ano ang katangian ng dalawang bata sa kuwento na gumawa ng maraming bracelet na goma? _____________________________________________________________ 2. Ano ang dahilan nila sa paggawa ng maraming bracelet na goma? ________________________________________________________________________ 3. Kung ikaw ay magbabalak tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, ano ang susubukan mong gawin? ________________________________________________________________________ 7 CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 5_ Module 1

Worksheet Image

4. Ang pagkakawanggawa ba ay dapat lamang gawin sa panahon ng sakuna? Ipaliwanag. ________________________________________________________________________ 5. Sa paanong paraan masusukat ang pagkakawanggawa ng isang tao? ________________________________________________________________________ Gawain B. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang salitang Tama kung nagpapakita ng wastong ugali o Mali kung hindi. ____________ 1. Ang pagkakawanggawa ay pana-panahon lamang. ____________ 2. Kambal ang pagkakawanggawa at pagkamahabagin. ____________ 3. Unang nararamdaman ang pagkamahabagin, kaya nagkakawanggawa ang tao. ____________ 4. Ang pagbibigay ng benepisyo sa mga nasalanta ng mga sakuna at iba pang nangangailangan ay nakatutulong upang umunlad ang lipunan. ____________ 5. Ang tunay na pagkakawanggawa ay mula sa puso. Isaisip Bilang isang batang katulad mo, ano ang maipapakita mong kakayahan sa pagtulong sa mga nangangailangan? Basahin ang talata at isulat ang angkop na parirala sa iyong kuwaderno upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Pangako sa Pagmamalasakit sa Kapuwa Nangangako ako na magiging handa akong tumulong at maglaan ng panahon sa mga taong nangangailangan tulad ng (1.) _____________________, para (2.) ______________________. Naniniwala ako na magiging ligtas ako kung (3.) ______________________. Ipadarama ko rin ang pagdamay sa pamamagitan ng (4.) ______________________ o pagpapakalat ng (5.) ______________________. • tamang impormasyon tungkol sa kalamidad • palaging mag-iingat sa lahat ng pagkakataon • kagipitan • sa mga nasalanta • pagboboluntaryo • pagbibigay ng pagkain at damit 8 CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 5_ Module 1

Worksheet Image

Isagawa Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa kuwaderno kung paano maipapakita ang pagbibigay ng tulong sa iyong kapuwa. 1. Nasunog ang bahay ng isa mong kamag-aral na nakatira sa kabilang barangay. Kasama sa tinupok ng apoy ang mga damit ng kaniyang buong pamilya. Kabilang dito ang uniporme ng iyong kamag-aral. Dahil dito ay hindi siya nakakapasok sa paaralan. Nag-usap-usap kayong magkakamag-aral at napagkasunduan ninyong tumulong. Ano ang maaari ninyong gawin upang madamayan ang inyong kamag-aral? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Nagbasa ka ng aklat sa silid-aklatan nang biglang lumindol. Dahil sa kawalan ng paghahanda, hindi alam ng maraming mag-aaral ang dapat gawin sa ganitong mga pagkakataon. Nagkataon naman na ang aklat na iyong binabasa ay tungkol sa sakuna, kaugnay na ang pagtuturo ng mga dapat gawin kapag lumilindol at pagkatapos ng lindol. Ito rin ang paksa ng inyong klase sa P.E. noong nagdaang linggo. Nakita mong nahihirapan ang mga guro na gabayan sa dapat na gawin ang mga batang mag-aaral. Ano ang gagawin mo upang makatulong? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Tayahin Panuto: Basahin mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang P kung nagsasaad ng pagdamay sa kapuwa at HP kung hindi pagdamay. _______1. Nagtago ka nang makita mong uutusan ka ng iyong nanay na tulungan ang iyong kapatid sa pangungolekta ng mga lumang damit mula sa mga kapitbahay para sa mga nasalanta ng baha sa kabilang barangay. _______2. Pinagtawanan mo ang kamag-aral mo na nadulas sa pasilyo ng paaralan. _______3. Pinagsabihan mo ang iyong kaibigan na hindi maganda ang nakikipagtalo sa kapuwa ninyo mag – aaral. _______4. Nakipaglaro ka sa isang batang nakita mong nag-iisang nakaupo sa ilalim ng puno. 9 CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 5_ Module 1

Worksheet Image

_______5. Tumanggi kang tumulong na makipag-away sa kaaway ng pinsan mo. _______6. Lumapit ka sa kapatid mo at iniabot sa kaniya ang laruan na nakalagay sa itaas ng cabinet. _______7. Binasag mo ang pasong ginawa ng isa mong kamag-aral dahil galit ka sa kaniya. _______8. Tinulungan mong magbungkal ng lupa ang isa mong kamag-aral sa paghahalamanan dahil hindi niya alam kung paano ito ginagawa. _______9. Nakita mong itinulak ng kamag-aral ninyo ang nakababata mong kapatid habang hindi nakatingin ang kanilang guro. Ipinaalam mo sa guro ang nakita mo. _______10. Sinamahan mong manood ng concert ang iyong kaibigan sa halip na tumulong sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga biktima ng sunog. Masaya ako at natapos mo ang gawaing ito! Ngayon ay handa ka na sa pagtuklas ng karagdagang kaalaman. Karagdagang Gawain Gumuhit o sumipi ng larawang nagpapakita ng pagkakawanggawa na iyo ng naisagawa at ipahayag ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa nito. Ilagay ang kasagutan sa iyong kuwaderno. Binabati kita at tagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa modyul na ito. Sana ay patuloy mong isabuhay ang mga natutuhan para sa kabutihan ng lahat 10 CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 5_ Module 1