- Other
- 3 Grade Rocelle Gil
1 Aralin Mga may Karamdaman: 1 Tulungan at Alagaan! MELC Kasanayan: Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain. (EsP3P-IIab–14) Mga Inaasahan Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay magagawa mo ang sumusunod na kasanayan: 1. Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng gawain. EsP3P-IIab–14 1.1 Pagtulong at pag-aalaga 1.2 Pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain o anumang bagay na kailangan Paunang Pagsubok Bilugan mo ang titik ng tamang sagot sa bawat sitwasyon. 1. Ano ang iyong mararamdaman kung isa sa miyembro ng iyong pamilya o isang kaibigan ay may karamdaman? A. Matutuwa ako. C. Malulungkot ako. B. Maiinis ako. 2. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa tatay ng iyong kaibigan na nahawa sa Covid 19? A. Dadalawin ko sa ospital ang tatay ng kaibigan ko. B. Ipagdadasal ko ang kaniyang agarang paggaling. C. Hindi ko na lang papansinin ang narinig kong balita. 3. Sumasakit ang ngipin iyong kamag-aral habang kayo ay nagkaklase. A. Hindi ko siya papansinin. B. Sasamahan ko siya sa klinika ng paaralan. C. Dadalhin ko siya sa dentista. Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
2 4. Tumawag ang iyong guro para ipaalam na siya ay hindi makakapasok sapagkat siya ay may lagnat. A. Sasabihin ko na pumasok pa rin siya dahil walang magtuturo sa amin. B. Sasabihin ko kay nanay na ilipat na ako ng paaralan. C. Sasabihin ko sa aking guro na magpahinga na lamang siya at magpaggaling. Balik-tanaw Kulayan ng dilaw kung ito ay iyong nagagawa at berde naman kung hindi. Pagkukusa Sa iniatang na gawain Pagdadabog Pagtupad sa kapag inuutusan tungkulin sa bahay Paggawa agad sa takdang- aralin Pagtakas sa Pagtulong sa mga iniatang gawaing- na gawain bahay Pagpapakilala ng Aralin Ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa may karamdaman ay isa sa magagandang katangian nating mga Pilipino. Sa panahong ito ng pandemya, maraming paraan upang makapagpadama ng pagmamalasakit sa ating kapwa na natamaan ng Corono Virus Disease. Sa pamamagitan nito, tayo ay natututong magpahalaga sa ating sarili at kapwa na siyang nagpapatibay ng ating ugnayan. Ang sumusunod ay ilan sa mga paraan para maipadama ang pagmamalasakit sa kapwa na may karamdaman: ✔ pagpapainom ng gamot sa kapatid at magulang na maysakit Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
3 ✔ pagbibigay ng donasyon para sa mga taong nahawaan ng Corona Virus Disease ✔ pagtulong sa pagdadala ng gamit ng kamag-aral na nilalagnat ✔ pagdalaw sa tahanan ng kaibigan, kamag-aral, o guro na may karamdaman ✔ pagbili ng gamot na dala ang reseta ng doktor sa tindahan para sa kasapi ng pamilya na may sakit ✔ pag-akay sa mga maysakit sa pagsakay sa dyip o tricycle Mga Gawain 1 Sumulat ng pangungusap kung ano ang ginagawa ng tauhan para maipadama niya ang kaniyang pagmamalasakit sa kaniyang kapuwa o kamag-anak na may sakit. ___ 1 ___ ___ 2 ____ ____ ____ ____ __________ ____ Gawain 2 Lagyan ng tsek ang hanay ng iyong sagot. Gawain Oo Hindi 1. Inaakay ko ang aking lolo na may rayuma sa pagpunta sa palikuran. 2. Pinapainom ko ng tubig ang aking tatay na may karamdaman. 3. Sinusubuan ko ng pagkain ang aking nakababatang kapatid kapag siya ay may sakit. Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
4 4. Dinadalaw at dinadalhan ko ng mga prutas ang aking kaibigan na may sakit 5. Ipinagdadasal ko sa Panginoon na sana ay gumaling na ang lahat ng may karamdaman lalo na ang nahawaan ng covid. Tandaan Ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa maysakit ay isang nakakamanghang katangian nating mga Pilipino. Ang pagtulong at pag-aalaga sa ating mga mahal sa buhay na may sakit ay lubos na makatutulong sa kanilang agarang paggaling. Pag-alam sa mga Natutuhan Bilugan ang wastong titik ng tamang sagot. 1. Nabalitaan mong may sakit ang iyong pinsan na nasa probinsya, ano ang gagawin mo? A) Papadalhan ko siya ng get well soon card. B) Ipagdadasal ko na gumaling na siya. C) Lahat ng nabanggit. 2. Nagkaroon ng bulutong ang nakakabata mong kapatid, paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa kanya? A) aalagaan siya B) kakalaruin C) pagtatawanan 3) Ano ang gagawin mo kung nakita mo na hindi makatayo ang iyong kaibigan dahil masakit ang paa? A) aakayin siya B) pababayaan siya C) aasarin siya Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo
5 Pangwakas na Pagsusulit Isulat ang TAMA sa kahon kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit at MALI naman kung ito ay hindi. 1. Ang isang batang maysakit ay kailangang bigyan ng pansin at panahon upang maalagaan nang mabuti. 2. Hayaang magpakonsulta sa doktor ng mag-isa ang taong may karamdaman. 3. Ipanalangin ang agarang paggaling ng kaibigang maysakit. 4. Alalayan ang kapatid na may lagnat sa pag-akyat ng hagdan. 5. Alagaan ang inang maysakit at painumin ng gamot sa tamang oras. Pagninilay Sumulat ng panalangin para sa may mga karamdaman. Magaling at naisagawa mo ang lahat ng iyong gawain! Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan, mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro. Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Ikalawang Markahan: Una at Ikalawang Linggo