Edukasyon sa Pagpapakatao 1 SECOND QUARTER Written Test No. 2 Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Ang tatay ng iyong kapitbahay ay naapektuhan ng virus na naging dahilan ng kakulangan nila sa pagkain . Anong gagawin mo bilang pagpapakita sa nangangailangan? A. Babahaginan ko sila ng pagkain dahil may trabaho naman ang tatay ko. B. Hayaan ko na lamang sila upang makaiwas akong mahawaan ng virus . C. Makikibalita na lamang ako sa kung ano ang magagawa nilang paraan . 2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa iyong kapwa kapag sila ay nasunugan ? A. Panoorin ang pagkasunog ng kanilang bahay B. Huwag pansinin ang pangyayaring naganap sa kanila. C.Alamin kung ano ang maaaring maitulong sa mga nasunugan. 3. Isa sa mga kaklase mo ang madalas lumiban sa online class ninyo dahil sa kakulangan sa load . Anong gagawin mo? A. Sasabihin ko sa guro namin na wala siyang perang pangload. B. Aalukin ko siya na pumunta sa bahay at makigamit ng wifi dahil magkapibahay lang kami. C. Uunahin ko muna ang sarili ko upang mas gumaling ako sa klase at maging bida sa lahat ng kaklase. SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Edukasyon sa Pagpapakatao 1 4. Ano ang gagawin mo sa kaklase mong walang baon? A. Babahaginan siya ng dalang pagkain. B. Ibibili ko siya ng makakain. C. Itatago ko ang pagkain. 5. Bakit mahalagang tumulong sa ating kapwa sa oras ng pangangailangan? A.Dahil nagpapakita ito ng pagmamahal at pagmamalasakit sa ating kapwa B.Upang may tumulong din sa atin sa oras ng pangangailangan. C. Para masabing may nagawa tayo sa ating kapwa . 6. Basahin ang nasa larawan. Paano naipakita ng bata ang pagiging magalang sa kanyang tatay ? A. Tumingin siya kay tatay. B.Nakikipag-usap siya kay tatay. C. Sumagot siya kay tatay gamit ang po at opo. 7. Bakit laging nagmamano si Bastie sa kanyang lolo at lola? A. Ito ay isang tradisyon ng mga Pilipino . B. Ito ay nagpapasaya sa mga matatanda . C.to ay nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda . 8. Isang umaga , nakita mo sa tapat ng bahay niyo ang iyong Tita Lita. Anong pagbati ang sasabihin mo sa kanya? A. “Hello , Tita Lita.” B. “Kumusta, Tita Lita.” C. “Magandang umaga po, Tita Lita.” SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Edukasyon sa Pagpapakatao 1 9. Paano mo maipadarama ang iyong paggalang sa iyong tatay na bagong dating galing sa trabaho? A. Kukumustahin siya. B.Magmamano sa kanya. C. Titingnan lamang ang kanyang pagdating 10.Binigyan ka ng regalo ng lola mo dahil nanalo ka sa paligsahan. Anong sasabihin mo? A. Magsasabi ng “ Wala pong anuman.” B.Masayang sasabihing “ Salamat, Lola.“ C.Tuwang -tuwang magsasabi ng “Maraming salamat po, Lola.” SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City