EPP5 MODULE 7 SPREADSHEET

Created
    English
  1. Computers
  2. 5 Grade
  3. LUDILYN S. MAYRINA
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

Suriin Ginagamit ng mga negosyante ang electronic spreadsheet upang mabilisan nilang maitala at maituos ang kanilang kita at gastusin sa negosyo. Maliban sa kanila, halos lahat ng propesyon at trabaho ay gumagamit din nang electronic spreadsheet upang mapadali ang kanilang pagkukuwenta. Ngunit kung mali ang pagkalagay ng formula o ang paggamit ng basic function ng electronic spreadsheet, nakapagdudulot din ito ng kalituhan, kaya pag-aaralan natin ang basic function at formula na kadalsang ginagamit sa pagtutuos gamit ang electronic spreadsheet. Ang formula sa spreadsheet ay ang nagpapakita ng iba’ ibang variable sa isang mathematical expression. Kung paano nais makuwenta ang mga datos ng gumagamit ng spreadsheet, ito’ y ginagamitan din ng akmang formula. Sa paggamit ng fomula, palagi itong nagsisimula sa equal sign (=) at kalimitang naglalaman ng values, cell references, cell names at functions. Halimbawa ng isang formula sa electronic spreadsheet. =(A5+A6+A7)-A8 Ang functions naman ay formula na nakahanda na upang magamit sa pagkuwenta. Ito rin ay nagsisismula sa equal sign at naglalaman ng function name at arguments. Halimbawa ng functions: = SUM (A5:A7) Marami pang mga basic functions mayroon ang electronic spreadsheets. Narito ang mga sumusunod na makikita din sa larawan. 11

SECTION:
NAME
Worksheet Image

1. Sum Function – kinukuha nito ang kabuuang numerical na datos sa mga piniling cells. 2. Average Function – kinukuha nito ang kabuuang bilang ng mga numerical na datos sa mga piniling cells. 3. Max Function – ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa mga piniling numerical na datos. 4. Min Function – ibinigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa mga piniling numerical na datos. 5. Count Function- ibinibigay nito ang bilang ng mga naitalang halaga sa mga piniling cells. 12

Basahin at Pag aralan:
Worksheet Image

Pagyamanin Sundan at subukan kung papaano gagamitin ang formula at basic function ng electronic spreadsheet. Ipagpalagay na nagtitinda ka ng mga prutas sa palengke. Tingan kung gaano kalaki ang iyong kinikita at ginagasto sa pagbebenta gamit ang formula at basic functions ng electronic spreadsheet. Sundin ang mga sumusunod na hakbangin. 1. Buksan ang electronic spreadsheet tool. 2. I-type ang mga tekstuwal at numerical na mga datos na makikita sa ibaba. I-format ang table upang mas maging kaaya-aya. 3. Upang makuha ang kabuuang gasto sa pagbili ng mga prutas bawat kita mula sa supplier, gamitin ang isang basic function na SUM. 4. I-click ang Cell B10. I-type ang basic function na SUM at sundan ito ng cell range sa loob ng saknong: =SUM(B4:B9). Tingnan ang ilustrasyon sa ibaba. 5. Puwedeng i-click din ang Autosum Function at i-click ang [OK]. 6. Balikan ang hakbang tatlo at apat para makuha ang kabuuang naibenta sa mga paninda mula sa customer. Puwedeng gawin din ang hakbang 5. 13

Basahin at Pag- aralan
Worksheet Image

7. Maaring makuha ang tubo sa pagbebenta ng bawat prutas sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbang na ito. Halimbawa: Kung gusto mong makuha kung magkano ang tutubuin mo sa bawat kilo na papaya, ito ang gagawin mo. I-click ang Cell D4 at i-type ang formula (=C4-B4) upang makuha ang tubo nito. 8. Gawin din ang hakbang pito sa iba pang mga prutas para makuha ang tubo. 9. Para makuha ang kabuuang tubo, sundin ang hakbang na ito. I click ang Cell D10 at i-type ang formula =D4+D9 at pindutin ang [Enter] sa keyboard. 10. I-save ang spreadsheet bilang income-statement. Ang Average function naman ay naglalayong makuha ang karaniwang halaga ng mga pinipili ng numerical na datos. Magagamit ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang. Ilustrasyon: 1. Para sa paggawa ng formula, i-type sa Cell G4 ang =(D4+E4+F4)/3 at pindutin ang [Enter]. 14

Sundin ang isinasaad sa bawat bilang:
(Ipapasa gamit ang ELECTRONIC SPREAD SHEET O MICROSOFT EXCEL )
Worksheet Image

Para naman sa function, i-click ang Cell G4 at isunod ang insert function button sa gawing kanang ng toolbar, i-click ang at piliin ang average at i-click ang [Enter]. Isaisip Ang kaalaman sa paggamit ng formula at basic functions sa electronic spreadsheet ay nakakatulong sa mga negosyante at iba pang empleyado upang mapabilis ang mga trabaho at gawain. Nakagagawa din ng akmang ulat tungkol sa kalagayan ng mga benta, puhunan, kita o lugi at iba pang mga kinakailangang impormasyon. Isagawa Subukan ang iyong natutuhan gamit ang isang computer. Kunin ang kita bawat putahe at ang kabuuang kita ng Alfie’s Karenderya gamit ang function o formula para makuha ang sagot. 15

Worksheet Image

Tayahin Panuto: Kunin ang tamang sagot mula sa kahon na inilalarawan sa bawat pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Sum Function Min Function Average Function Count Function Max Function 1. Kinukuha nito ang kabuuang numerical na datos sa mga piniling cells. 2. Ibinibigay nito ang bilang ng mga naitalang halaga sa mga piniling cells. 3. Ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa mga piniling numerical na datos. 4. Kinukuha nito ang kabuuang bilang ng mga numerical na datos sa mga piniling cells. 5. Ibinibigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa mga piniling numerical na datos. 16

Worksheet Image

Karagdagang Gawain Kunin ang Average at General Average ni Juan De la Cruz gamit ang isang computer at ipakita ang file sa iyong guro. 17

Worksheet Image
Ipapasa ang FILE SA GOOGLE CLASSROOM