Pagyamanin Subukan ang iyong nalalaman! A. Pagsasanay 1: Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung totoo ang kaisipan, at ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Nagagawang pataba ang mga pinagbalatan ng prutas. 2. Ang halamang gulay na hindi sapat ang pag-aalaga ay malago, mataba, at buhay na buhay. 3. Kapag masustansiya ang lupa, maaasahang mabilis na mamamatay ang halamang bagong lipat. 4. Kung patuloy na lumalaking malusog at nagbibigay ng magandang ani ang mga pananim, ito ay makakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay. 5. Madaling matuyo ang lupa kung taglay nito ang abonong organiko. 6. Pinabubuti ng abonong organiko ang daloy ng hangin at kapasidad ng lupa na humawak ng tubig. 7. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani kapag may abonong organiko. 8. Ang pagdidilig sa kompost ay ginagawa bawat oras. 9. Ang compost ay tinatakpan ng yero lamang. 10. Ang binunot na mga damong ligaw ay maaaring gawing kompost. B. PAGSASANAY 2: Panuto: Kopyahin ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko sa ibaba at pagsunud-sunurin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang simula 1 hanggang 8 sa patlang ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Gawin ito sa iyong kuwaderno. __________ Gawin ang pagtambak hanggang mapuno ang hukay. __________ Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim. __________ Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain, at iba pang nabubulok na bagay. __________ Hintaying lumipas ang dalawang buwan o higit pa bago ito gamiting pataba. __________ Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas. __________ Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anumang pantakip. __________ Ipatung ang mga dumi ng hayop. __________ Patungan ito muli ng lupa o apog. 10
Isaisip Ano ang mga dapat mong tandaan sa araling ito? Ano-ano ang mga kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko? Para masagot ang mga tanong sa itaas, mabuting punan ang mga patlang sa talata. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Dahil sa paulit-ulit na pagtatanim maaaring maubos ang mga sustansiya sa lupa kaya dinadagdagan o nilalagyan ito ng (1) _________________________, upang mapalitan ang mga (2) _________________________. Pinalalambot ng abonong organiko ang lupa at pinabubuti ang daloy ng hangin at (3) _________________________. Ang paggawa ng organikong abono ay kaaya-ayang gawain. Ito’y mahalaga sa paghahalaman sapagkat maaari nitong pagandahin ang (4) _____________ ng lupa at patabain ang halaman nang walang gastos. Ang abonong organiko ay napatunayang (5) __________________ sa pagpapalago ng mga pananim. Ngayon natatandaan mo pa ba ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko? Ano-ano ang mga ito? Kung may nakalimutan ka, puwede mong balikan muli ang bahaging suriin nang sa ganun ay matulungan kang tandaan ito. 11
Isagawa Paano mo maipakikita ang iyong natutuhan? Gawin ito sa inyong kuwaderno. A. Isulat ang mga kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko sa paghahalaman. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ B. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa paggawa ng FFJ o Fermented Fruit Juice. Gamit ang bilang 1-5, pagsunud-sunurin ang mga ito ayon sa tamang pagkakasunod. _____________ Ipatong ang ikalawang kalahati ng prutas at patungan uli ng kalahating kilo ng muscovado. _____________ Ito ay magagamit mula pito hanggang ikalabing-apat (7-14) na araw na ma ferment. _____________ Maghiwa ng isang kilo ng prutas. _____________ Ilagay sa banga ang unang kalahati at patungan ng kalahating kilo ng muscovado. _____________ Takpan ng papel at talian. Ilagay ito sa lugar na malamig at hindi masisikatan ng araw. C. Kung kayo ay walang sapat na espasyo o lugar sa inyong bahay, ano ang maaari mong gawin para makagawa ng compost? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ D. May pakinabang ba ang paggawa ng fermented fruit juice sa paghahalaman? Bakit? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 12
Tayahin Panuto: Basahing mabuti at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang at gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko? a. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos. b. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig. c. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa. d. Lahat ng nabanggit ay tama. 2. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang maaaring gawin upang makagawa ng compost? a. Eresaykel ang mga lumang gulong ng sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatong-patong para magsilbing hukay ang mga ito. b. Bumili ng lupa sa kapitbahay. c. Gamitin ang batyang ginamit ng iyong nanay sa paglalaba. d. Magahanap ng malaking karton para gawing compost. 3. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga pakinabang ng fermented fruit juice maliban sa isa. Alin ito? a. Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (K) para sa pagpapalaki ng bunga. b. Ang fermented fruit juice ay nagbibigay ng karagdagang resistensiya sa tanim laban sa insekto. c. Ang lupa at mga tanim ay pinatataba ng fermented fruit juice. d. Pinapaiksi ng fermented fruit juice ang buhay ng mga pananim. 4. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang unang ginagawa? a. Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, bulok na prutas, gulay, tira-tirang pagkain, at iba pang nabubulok na mga bagay. b. Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anong pantakip. c. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim. d. Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang sa umabot ito ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas. 5. Bago gamitin ang mga nabulok na mga bagay tulad ng dahon, gulay, prutas, tirang pagkain at dumi ng hayop ay kailangang palipasin muna ang ______________. a. Dalawang araw c. Dalawang oras b. Dalawang linggo d. Dalawang buwan 13
6. Upang maging pataba ang mga basura ito ay pinabubulok muna sa isang lalagyan tulad ng compost pit. Ano ang tawag sa paraang ito? a. Basket composting c. Intercropping b. Basket making d. Double digging 7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng kahalagahan ng paggamit ng abonong organiko? a. Ang paggamit ng abonong organiko ay nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong sa pagpapalago ng mga pananim. b. Dumarami ang mga insekto sa halamanan kung nilalagyan ng abonong organiko ang lupa. c. Tigang ang lupang nilalagyan ng abonong organiko. d. Nakadagdag sa gawain ang paggawa ng abonong organiko. 8. Ano ang basket composting? a. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok. b. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng compost pit. c. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket. d. Wala sa nabanggit. 9. Isa sa mga halimbawa ng abonong organiko ay tinatawag na fermented fruit juice. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito? a. Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi maasim. b. Ito ay mula sa mga nabubulok na mga dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop. c. Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda. d. Lahat nang nabanggit. 10. Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng dahon balat ng gulay at prutas at mga tirang pagkain? a. Pagpapausok ng basura. b. Pagkakalat ng basura. c. Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan. d. Paglilinis ng basura. 14