Aralin 1 Write Me Up! Ang paggamit ng Word Processing Tools ay malaking bagay para mapabilis at maging epektibo ang paggawa ng mga dokumento at paglalahad ng mga mahahalagang impormasyon sa paaralan, trabaho at negosyo. Isa sa mga tanyag at kilalang halimbawa ngWord Processing Tool na ginagamit sa buong mundo ay ang Microsoft Word na bahagi ng application ng Microsoft Office. Maraming mga katangian at kakayahan ang application na ito na nakatutulong sa mga taong nais magbahagi ng mga ulat na ginagamitan ng visual at iba pa. Napapabilis din nito ang paggawa ng mga mahahalagang dokumento na kapaki-pakinabang sa sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Balikan Ano ang pagbabagong dala ng modernong teknolohiya sa larangan ng edukasyon, komunikasyon at pagnenegosyo? Ano-ano ang mga mahahalagang bagay na naidudulot nito sa pang araw-araw na kilos ng mga tao? Upang sukatin ang ang mga bagay na natutunan mo sa nakaraang aralin, maaaring sagutin ang sumusunod na pagsubok. Panuto: Kunin ang tamang sagot mula sa kahon na inilalarawan sa bawat pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Sum Function Min Function Column Average Function Count Function Row Max Function Spreadsheet Workbook Table 1. Kinukuha nito ang kabuuang numerical na datos sa mga piniling cells. 2. Hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahilira ng pababa. Ito ay may titik sa itaas. 3. Ibinibigay nito ang bilang ng mga naitalang halaga sa mga piniling cells. 4. Ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa mga piniling numerical na datos. 3
5. Isang grupo ng spreadsheet na nakasave sa isang file, kadalasan ito ay may tatlong workbook. 6. Kinukuha nito ang kabuuang bilang ng mga numerical na datos sa mga piniling cells. 7. Ibinibigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa mga piniling numerical na datos. 8. Hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahilira ng pahalang. Ito ay may numero kaliwang bahagi nito. 9. Isang computer application program para sa maayos na presentasyon ng impormasyon; nakatutulong din sa pagsusuri ng nakalap na impormasyon. 10. Ang tawag sa pagkakaroon ng mga hanay at hilera ay nakatutulong upang maging mas madali at mabilis gawin ang pagsusuri ng impormasyon lalo na kung kadalasan nito ay mga numero. Tuklasin Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kwaderno. Microsoft Word Diagram Fishbone Diagram Flowchart Cycle diagram 1. Ang _______________ ay isang uri ng plano o balangkas sa paggawa ng isang dokumento para maging mas malinaw at maliwanag ang relasyon sa pagitan ng binubuong dokumento. 2. Madalas na ginagamit ang _________________ para tukuyin ang mga sanhi ng mga pangyayari. Malaki ang naitutulong nito sa pagsusuri ng iba’t-ibang problema. 3. Ang _________________ ay isang halimbawa ng Word Processing Tool na bahagi ng Microsoft Word na madalas na ginagamit ng mga tao sa buong mundo. 4. Ginagamit ang _________________ sa pagdidisenyo o pagsusuri sa pamamahala ng mga proseso sa iba’t-ibang larangan. Ito ay isang uri ng diagram na gumagabay sa pagkakasunod-sunod ng mga gawain batay sa uri ng programa. 5. Ang _________________ ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga bagay-bagay sa isang paulit-ulit na proseso. 4
Suriin Ang paggawa ng isang dokumento gamit ang Microsoft Word ay halimbawa ng Word Processing Tool na may kasamang mahahalagang impormasyon na ginamitan ng iba’t-ibang commands na matatagpuan sa menu bar tulad ng lay-out, design, insert at marami pang iba para maging epektibo ang paglalahad ng mga konsepto o impormasyon tungkol sa pag-aaral, negosyo o trabaho. Pagmasdan ang mga sumusunod. Ano ang mga nakikita mo? Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng paggamit ng Microsoft word sa paggawa ng mga dokumento? Ang nakikita mo ay isang halimbawa ng Word Processing Tool na ginagamit ng mga tao sa buong mundo. Ito ang Microsoft Word na bahagi ng application na Microsoft Office. Kasama rito ang ilan pang mga halimbawa na matatagpuan sa internet gaya ng Word Perfect, Text Maker, CorelWrite, Google Docs, Kingsoft Writer, Ability Write at Ragtime. Ang mga nabanggit na Word Processing Tools ay may mga katangian at kakayahan na pagandahin, ayusin at maging malinaw ang isang dokumento sa pamamagitan ng pag highlight sa mga text, pag-layout ng pahina, paglalagay ng watermark, pag-outline, paglalagay ng mga kulay at marami pang iba. Ang paggamit ng word processing tools ay nakatutulong sa mga tao sa paggawa ng anumang dokumento na pwedeng maging mas makahulugan sa pamamgitan ng pagdadagdag ng Diagram. Ano ang Diagram? Ito ay isang uri ng plano o balangkas sa paggawa ng isang dokumento para maging mas malinaw at maliwanag ang relasyon sa pagitan ng binubuong dokumento. 5
Tayahin Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tutugon sa patlang sa bawat pangungusap. Microsoft Word Word Processing Tool Fishbone Diagram Flowchart Diagram 1. Ang ________________ ay nakatutulong sa mga tao sa paggawa ng mga dokumento o ulat. Mayroon itong mga halimbawa na matatagpuan sa internet gaya ng MS Word, Word Perfect, Text Maker at iba pa. 2. Kilala at tanyag ang __________________ sa buong mundo bilang isang tool at bahagi ng Microsoft Office sa paggawa ng isang dokumento na maaaring gamitan iba’t-ibang mga katangian at disenyo. 3. Ang ________________________ isang uri ng plano o balangkas sa paggawa ng isang dokumento para maging mas malinaw at maliwanag ang relasyon sa pagitan ng binubuong dokumento. 4. Ginagamit ang ___________________ sa pagdidisenyo o pagsusuri sa pamamahala ng mga proseso sa iba’t-ibang larangan. 5. Madalas na ginagamit ang _____________________ para tukuyin ang mga sanhi ng mga pangyayari. 11
Karagdagang Gawain Panuto: Sagutan ng Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. Gawin ito sa inyong kuwaderno. ____ 1. Ang isang dokumento ay maaring gawin sa Microsoft Word. ____ 2. Ang Microsoft Word ay isang halimbawa ng Word Processig Tools. ____ 3. Ang paggamit ng iba’t-ibang disenyo sa paggawa ng dokumento ay hindi pinapayagan sa Microsoft Office. ____ 4. Sa pamamgitan ng Diagram nasisira ang plano o balangkas ng isang dokumento. ____5. Ang paggamit ng Microsoft Word ay nakatutulong para mapadali ang paggawa ng isang dokumento. ____6. Ang Fishbone Diagram ay nagpapakita ng sanhi at epekto ng mga pangyayari. ____7. Gumamit ng Word Processing Tools para makalikha ng isang makahulugan at maliwanag na mga datos sa isang dokumento. ____8. Makikita sa menu bar ang mga command na maaaring gamitin sa pagpapaganda at paglalagay ng mga disenyo sa ginagawang dokumento. ____9. Ang Design sa Menu Bar ay naglalaman ng page borders at watermark. ____10. Matatgpuan sa Insert ang sukat ng papel, margin at orientation na maaaring gamitin sa paggawa ng dokumento. 12
13 Balikan: Tuklasin: Isaisip: 1. Sum Function 1. Diagram 2. Column 2. Fishbone diagram 3. Count Function 3. Microsoft Word 1. Microsoft Word 4. Max Function 4. Flowchart 5. Workbook 5. Cycle diagram 6. Average Function 7. Min Function 8. Row 9. Spreadsheet 10. Table Tayahin: Karagdagang Gawain Subukin 1. TAMA 1. 7 2. TAMA 2. 1 1. Word Processing Tools 3. MALI 3. 4 2. Microsoft Word 4. MALI 4. 3 3. Diagram 5. TAMA 5. 6 4. Flow Chart 6. TAMA 6. 5 5. Fishbone Diagram 7. TAMA 7. 2 8. TAMA 9. TAMA 10. MALI Susi sa Pagwawasto