Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Schools Division of Pasig City MGA INAASAHAN Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil makakatulong ito sa iyo sa pag-aaral ng Konsepto ng Malaking Pamilya. May mga pagsasanay kang sasaguatan upang masukat mo ang iyong kaalaman sa modyul na ito. PAUNANG PAGSUBOK Panuto: Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ang ______________ ay binubuo ng ama, ina at maraming anak kasama sina lolo at lola. A. malaking pamilya B. single parent family C. karaniwang pamilya 2. Sila ang magulang ng ating tatay o nanay. Sila ang pinagmulan nating lahat simula sa ating mga magulang. A. tito at tita B. lolo at lola C. tatay at nanay 1 SDO Pasig_Q2_AP 1_Modyul 3
Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Schools Division of Pasig City 3. Siya ang kapatid na lalaki ng iyong tatay. Ano ang itatawag mo sa kanya? A. lolo B. tatay C. tito 4. Ang mga kasama natin sa bahay na tumutulong sa mga gawaing bahay o nag- aalaga sa mas nakababatang kapatid na hindi mo kadugo ay dapat itinuturing nating ____________ A. kasambahay B. pamilya C. yaya 5. Dapat bang ikahiya ang malaking pamilya sa ibang tao. Bakit? A. Opo, dahil masyadong maingay kung marami ang kasapi ng pamilya B. Hindi po, dahil sila ay parte ng ating pamilya at masaya kung magkakasama kayong lahat kahit marami kayo sa pamilya. C. Hindi po, dahil mas maraming regalo ang matatanggap dahil marami kayo sa pamilya. BALIK-ARAL Panuto: Isulat ang Hooray kung tama ang sinasabi sa pangungusap at Hephep naman kung mali. 2 SDO Pasig_Q2_AP 1_Modyul 3