ARALIN 5 at 6 Pagsususulit

Created
    English
  1. Social Studies
  2. 8 Grade
  3. eew ww
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

(ARALIN 5) Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at PINDUTIN ang bilog ng tamang sagot. 1. Alin sa sumusunod ang kakikitaan ng paggabay sa pagpapasya? A. sama-samang pagdarasal B. pagturo sa anak ng tama at mali C. pagbabasa ng mga kuwento gabi-gabi D. pagturo sa paggamit ng banal na aklat 2. Ano ang bunga ng maling pagpili sa pagpapasya? A. karahasan B. karanasan C. pagmamahal D. pagsisisi 3. Ano ang hinuhubog sa mga kabataan sa pagpili ng damit na maisusuot at pagkuha ng kurso ayon sa kanilang nais? A. pag-aayuno B. pagkilos C. pagpapasya D. pagsasakripisyo 4. Sino ang nagiging guro ng mga kabataan sa bahay kung saan ay tinuturuan at tinutulungan sila sa mga takdang-aralin? A. tiyuhin/tiyahin B. malapit na kaibigan C. malapit na kamag-anak D. nakatatandang kapatid 5. Ano ang tawag sa paraan ng pananampalataya ng mga kristiyano? A. kapistahan B. kasal C. paghahanda D. pagsisimba 6. Sino ang gumagabay at humuhubog sa pamilya? A. anak B. lipunan C. magulang D. pamayanan 7. Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata? A. karapatang kumain B. karapatang mabuhay C. karapatan sa edukasyon D. karapatang magkaroon ng magulang 8. Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa mga bata? A. paaralan B. mga kapitbahay C. mga kamag-anak D. kawani ng gobyerno 9. Sino ang naggabay sa mga anak sa bawat pagpapasya? A. kaibigan B. kapatid C. magulang D. pamilya 10. Ano ang umusbong sa Pilipinas matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig? A. kapuluan B. kayamanan C. pagmamahal D. relihiyon (ARALIN 6) Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at PINDUTIN ang bilog ng tamang sagot. 11. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa pagbibigay ng edukasyon? A. Nalagpasan ni Martin ang lahat ng problema sa loob at labas ng tahanan. B. Makailang beses na inisip ni Keil ang sasabihin bago ito magbitiw ng salita. C. Kahit na napakahirap ng kalagayan ni Nel nakapagtapos pa rin ito ng may medalya. D. Sa labis na pangungulila ni Gaze nakagawa siya ng desisyong nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay. 12. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa paggabay sa pagpapasiya? A. Si William ang gumagawa ng desisyon para sa kaniyang mga anak. B. Nakagawa ng pasiya si Alisah na pinagsisihan niya sa bandang huli. C. Hindi nababahala si Marga sa kaniyang kinabukasan dahil handang ibigay ng ina ang lahat ng kaniyang gusto. D. Binigyan ng pagkakaton ni Aling Susan ang anak na unawain ang sitwasyong kinalalagyan dahil sa ginawang pagpapasiya. 13. Suriin ang mga pahayag. Alin sa sumusunod ang may katotohanan tungkol sa mga banta sa pamilya ? I-EDUKASYON, II-KAHIRAPAN, III-ORAS, IV-TEKNOLOHIYA

Worksheet Image

A. I, II at III B. I, II at IV C. II, III at IV D. I, II, III at IV 14. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pananampalataya? A. Patuloy na nangangarap si Rosas na maging isang mahusay na tagakuha ng larawan. B. Mahal na mahal ni Aling Indang ang anak na si Kimpoy kahit ito ay may problema sa pag-iisip. C. Nakalimutan na ng pamilyang Dela Saturna ang linggo-linggong pagsisimba dahil naging abala ito sa mga negosyo. D. Magaling sa pagsusulat si Reymundo kayat gusto nitong maging isang mahusay na manunulat, ngunit hindi siya pinayagan ng kaniyang ina, sa halip ipinakuha sa kaniya ang kursong hindi niya gusto. 15. Paano malalampasan ang banta sa pagbibigay ng edukasyon sa anak? A. tumigil sa pag-aaral B. pagpapahalaga sa diwa ng edukasyon C. pagbabad sa paglalaro ng mobile games D. ugaliing makinig sa desisyon ng magulang 16. Narinig mong pinag-uusapan ka ng iyong mga kaklase dahil umano sa pagnanakaw ng selpon ng iyong guro, alam mo sa sarili na hindi naman ito totoo ngunit nakaramdam ka pa rin ng sobrang galit kung kaya agad mong sinuntok ang pinanggalingan ng maling balita. Tama ba ang iyong pagpapasiya? A. Hindi, dahil nasaktan ang damdamin B. Oo, dahil mali ang magpakalat ng maling balita C. Oo, dahil napahiya ka sa harap ng maraming tao D. Hindi, dahil pinairal ang galit sa halip na mag-isip muna 17. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggabay sa pagpapasiya ng anak? A. Pinahahalagahan ni Ethan ang desisyon ng kaniyang anak. B. Sinasalungat ni Iza ang opinyon nang asawa dahil hindi niya ito gusto. C. Sinisigiwan ni Aileen ang bunsong anak dahil lumabas ito ng walang paalam. D. Pinakinggan ni Alexa ang pasya ng anak bagamat ipinagpipilitan pa rin ang kaniyang gusto. 18. Alin sa sumusunod ang pinakapangunahing banta sa pagbibigay ng edukasyon? A. kahirapan B. oras C. panahon D. paniniwala 19. Alin sa sumusunod ang banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak? A. pagkakaiba ng paniniwala B. labis na pagmamahal ng magulang C. hindi angkop ang oras ng pagdedesisyon D. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba 20. Alin sa sumusunod ang banta sa pananampalataya ng pamilya? A. pagsubok sa buhay B. pagkakaiba ng kultura C. pagkilos ng hindi pinag-iisipan D. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba 21. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pag-aaral? A. Oras ang naging kalaban ni Chacha sa pagtapos ng mga gawaing bahay. B. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagtapos si Marco ng kolehiyo. C. Nagsusumikap ang magkapatid na Nina at Nene upang may maipambili ng pagkain araw-araw. D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Janine na iwanan ang pamilya at tumayo sa sariling mga paa. 22. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pananampalataya? A. Social Media ang naging dahilan kung bakit hindi nakapagtapos si Marco sa kolehiyo. B. Ang kahirapan ang nagtulak sa magkapatid na Maria at Martha na maghanapbuhay. C. Naging mabigat ang kalooban ni Arturo sa kapatid dahil sa pagsisinungaling nito. D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Jose na magduda sa kaniyang pananampalataya. 23. Paano malalagpasan ang banta sa pagbibigay nang maayos na edukasyon? Sa pamamagitan ng: A. pag-unawa sa mga ginawang pasya B. pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya C. pagpaplano sa sariling buhay at kinabukasan D. pagsasabuhay sa mga gawi, tulad ng paggalang 24. Ano ang maaaring maidudulot sa pamilyang may pagkakaiba ng paniniwala? A. pagkalito at pagkagulo B. pagkapoot at pagkamuhi C. kalungkutan at kasiyahan D. pagmamahalan at pagtutulungan 25. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasya? A. maingat na paghuhusga B. pag-unawa sa kalagayan C. walang maayos na unawaan D. padalus-dalos sa paghuhusga