Araling Panlipunan 9 Ikalawang Markahan Modyul 2- Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand GAWAIN/ACTIVITY Pangalan: _________________________________ Petsa: _________________ Taon at Pangkat: ___________________________ Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Sa loob ng halos dalampung taong serbisyo sa pampublikong paaralan bilang guro, si Bb. Espiritu ay maraming kasangkapan at mga bagay ang kaniyang nabili dahil sa pagtaas ng sahod niya. Ano ang nakaaapekto sa kaniyang demand? A. Paglaki ng kaniyang kita B. Pagdami ng kaniyang pamilya C. Pagbago ng kaniyang pamumuhay D. Pagsuri sa presyo ng mga produkto 2. Pasukan na naman at ang magulang ni Divine ay nahaharap sa problema dahil sa pagtaas ng presyo ng school supplies. Ano ang kanilang dapat gawin? A. Huwag ng bumili ng school supplies. B. Bumili ng school supplies sa araw ng pasukan. C. Bumili ng school supplies matagal pa bago ang pasukan. D. Gamitin ang pinaglumaang school supplies ng kapatid. 3. Tumaas ang presyo ng bigas sa pamilihan. Naisip ni Gng. Montecillo na bumili muna ng tinapay para sa kaniyang pamilya. Sang-ayon ka ba sa kaniyang desisyon? A. Oo, dahil ito ay maaaring pamalit. B. Oo, dahil ito ay ginagawa rin ng iba. C. Hindi, dahil ayaw ito ng kaniyang pamilya. D. Hindi, dahil walang sapat na suplay ng tinapay. 4. Alin sa sumusunod na salik and nakapagtataas sa demand ng karne ng manok? A. Pagmahal ng presyo ng karne ng manok. B. Pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at baka. C. Pagbaba ng bilang o dami ng suplay ng karne ng manok sa pamilihan. D. Pagtaas ng antas ng sakit na mula sa kontaminadong karne ng manok. 5. Maraming salik ang nakaaapekto sa demand maliban sa presyo. Ang salik na nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, pinapalitan ang produkto ng konsyumer ng isang kamukha ngunit mas murang produkto? A. Income Effect B. Standard Effect C. Substitution Effect D. Complementary Effect