- History
- 3 Grade Rocelle Gil
1 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN Pangalan: ___________________________________________________________ Pangkat: _______________ Guro: ______________________ Aralin Mga Kuwento at Sagisag na Naglalarawan sa Sariling Aralin Lungsod at Karatig Lungsod sa Rehiyon 1 Most Essential Learning Competency (MELC): Nasusuri ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon. AP3KLR-lla-b-1 Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito inaasahang: 1. Masusuri ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon ; 2. Mapagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kasaysayan ng iyong rehiyon at; 3. Mapahahalagahan ang kasaysayan ng iyong sariling rehiyon. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ito ang tawag sa mga mahahalagang pangyayari na naganap sa nakalipas na panahon a. Hinaharap b. Kasaysayan c. Kasalukuyan d. Pangarap 2. Sino ang naglipat ng kapital ng Pilipinas mula sa Cebu patungo sa Maynila? a. Amerikano b. Espanyol c. Hapon d. Pilipino 3. Anong taon opisyal na nabuo ang National Capital Region? a. 1950 b. 1975 c. 1990 d. 2020 AP3-Q2-Week 1
2 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN 4. Sino ang unang namuno sa Maynila? a. Andres Bonifacio b. Jose Rizal c. Lapulapu d. Raha Sulayman 5. Ano ang tawag ngayon sa Kalakhang Maynila? a. Metro Capital Region c. Metropolitan Cebu b. Metro Cosmopolitan d. National Capital Region c. Panuto: Lagyan ng NT kung ang gawain ay nakatutulong sa pangangalaga ng ating likas na yaman at NP kung nakapipinsala. _______1. Pagsusunog ng basura. _______2. Paglilinis ng kanal at iba pang daluyan ng tubig. _______3. Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan. _______4. Pagrerecycle ng basura sa tahanan. _______5. Pagtatapon ng basura sa sapa. Ang Kasaysayan ng Kinabibilangang Rehiyon Ang kasaysayan ay mga mahahalagang pangyayari sa nakalipas na panahon. Ito ay maaaring istorya ng pinagmulan ng isang lungsod o bayan. Alam mo ba ang kasaysayan ng iyong rehiyon? Bago dumating ang mga Espanyol, ang Maynila ay isang maliit na pamayanan ng mga muslim na pinamumunuan ni Raha Sulayman . Raha Sulayman Originally ill. By Angelica O. Dela Fuente,2020 AP3-Q2-Week 1
3 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN Si Miguel Lopez de Legazpi ang unang Gobernador-Heneral ng Spanish East Indies. Siya ay naatasang manguna sa isang ekspedisyon na naglalayong hanapin ang Isla ng mga Pampalasa (Spice Islands). Matapos maitatag ang Cebu sinunod ni Miguel Lopez de Legaspi na sakupin ang Maynila at ito ang nagsimula ng pagkakatatag ng Maynila. Inilipat mula sa lalawigan ng Cebu ang kapitolyo ng Pilipinas sa Maynila noong 1571. Nagpatayo sila ng mga gusali sa Intramuros at dito nanirahan ang mga Espanyol na misyonaryo at sundalo. Pinamunuan ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Noong 1896, ang mga Pilipino ay lumaban sa pananakop ng mga Espanyol at nagsimula ang himagsikan na tinawag na Tagalog War o Philippine Revolution. Ito ay pinangunahan ng mga Katipunero na pinamunuan ni Andres Bonifacio. Natalo ng mga Pilipino ang mga Espanyol sa tulong ng mga Amerikano at dineklara ang kalayaan ng bansa noong Hunyo 12, 1898. Hindi nagtagal ang mga Amerikano naman ang nanakop at nalipat sa kanila ang pamumuno sa Pilipinas. Pinamunuan nila ang bansa sa loob ng 48 taon. Noong July 4, 1946, kinilala ng mga Amerikano ang kalayaan ng bansa at naging isang ganap na Republika ang Pilipinas. Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at inatake ng mga Hapones ang bansa ng taong 1941. Nasira ang maraming istruktura sa Kamaynilaan. Pagkatapos ng digmaan, isinaayos ang mga nasirang daan, gusali at naging panahanan ang Makati, Mandaluyong, at San Juan. Kasabay rin nito, ang pagpapaunlad ng mga Lungsod ng Quezon, Pasig, Pasay, at Parañaque. Nagtayo rin ng mga pagawaan at pook industriyal sa Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela. AP3-Q2-Week 1
4 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN Nobyembre 1975, opisyal na itinatag ang Metropolitan Manila (ngayon ay kilalang Pambansang Punong Rehiyon o NCR) at Metro Manila Commission sa bisa ng Presidential Decree 824. Sa ngayon, ang rehiyong ito ay binubuo ng 16 na lungsod at isang munisipalidad. Gawain A Panuto: Piliin ang inilalarawan ng bawat pahayag sa loob ng saknong at isulat ito sa sagutang papel 1. Ito ang taon kung kailan opisyal na nabuo ang National Capital Region o Metro Manila. (1975, 1986) 2. Siya ang unang namuno sa Maynila. (Raha Humabon, Raha Sulayman) 3. Dito nagpatayo ng mga gusali upang gawing tirahan ng mga misyonaryo at sundalong Espanyol. (Monumento, Intramuros) 4. Dito inilipat ang kapitolyo ng bansang Pilipinas. (Cebu, Maynila) 5. Ito ang nangyari sa Maynila matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (Nasira, Naayos) ❖ Kasaysayan ay mga mahahalagang pangyayari na naganap sa k isang lugar sa nagdaang panahon. ❖ Raha Sulayman siya ang unang namuno sa isang maliit na k pamayanan ng mga Muslim sa Maynila. AP3-Q2-Week 1
5 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN ❖ Miguel Lopez de Legaspi Siya ang namuno sa pagdaong k ng mga Espanyol sa Maynila. ❖ Intramuros Ang lugar kung saan nanirahan ang mga k misyonaryo at mga sundalong Espanyol. ❖ Ikalawang Digmaang Pandaigdig nawasak ang malaking k bahagi ng Kamaynilaan. Pagkatapos ng digmaan ay isinaayos at pinaunlad ulit ito. ❖ Nobyembre 1975 opisyal na tinatag ang Metropolitan Manila o k National Capital Region (NCR) ayon sa itinakdang Presidential Decree 824. Ang aking natutuhan tungkol sa aking aralin ngayong linggo ay _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ Kaya nararapat ko itong_____________________________________ ____________________________. AP3-Q2-Week 1
6 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa kasaysayan. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Sino ang namuno sa Maynila bago dumating ang mga Espanyol? a. Pinamumunuan ni Raha Sulayman ang isang maliit na pamayanan ng Muslim sa Maynila. b. Pinamumunuan ni Lapu-lapu ang isang maliit na pamayanan ng Muslim sa Maynila. c. Pinamumunuan ni Magellan ang isang maliit na pamayanan ng Muslim sa Maynila. d. Pinamumunuan ni Aguinaldo ang isang maliit na pamayanan ng Muslim sa Maynila. 2. Ano ang ginawa ng mga Espanyol noong dumating sila sa Maynila? a. Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Cebu at dito nanirahan ang mga misyonaryo at sundalong Espanyol. b. Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Maynila at dito nanirahan ang mga misyonaryo at sundalong Espanyol. c. Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Davao at dito nanirahan ang mga misyonaryo at sundalong Espanyol. d. Inilipat ang kapitolyo ng bansa sa Mindanao at dito nanirahan ang mga misyonaryo at sundalong Espanyol. AP3-Q2-Week 1
7 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN 3. Ano ang nangyari sa Kalakhang Maynila noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig? a. Umunlad lalo ang Kalakhang Maynila. b. Nasira ang maraming lugar sa Kalakhang Maynila. c. Dumating ang mga Sundalong Hapon. d. Dumami ang turista. 4. Ano ang nangyari sa Kalakhang Maynila pagkatapos ng digmaan? a. Pinabayaang sira ang Maynila. b. Inilipat sa Davao ang kapitolyo ng bansa. c. Umalis ang mga tao sa Maynila at pumunta sa ibang bansa. d. Isinaayos at pinaunlad muli ang kalakhang Maynila. 5. Ano ang mahalagang naganap noong Nobyembre 1975? a. Opisyal na nabuo ang National Capital Region. b. Opisyal na nasakop ulit ng mga Espanyol ang Maynila. c. Opisyal na nasira ang buong Maynila. d. Opisyal na nasakop ang bansa ng Amerika. Panuto: Iguhit ang puso kung natutuhan mo ang mga kasanayang nakapaloob sa modyul na ito at bituin kung hindi. Mga Kasanayan Oo Hindi 1. Natutuhan ko ang kahulugan ng kasaysayan. 2. Natutuhan ko ang mahahalagang pangyayari, petsa at mga tao sa kasaysayan ng aking sariling rehiyon. 3. Mapagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa kasaysayan ng aking sariling rehiyon. 4. Nasagutan ko ang lahat ng mga gawain sa tulong ng aking guro at kasama sa bahay. 5. Naging matapat ako sa pagsasagot at pagwawasto. AP3-Q2-Week 1
8 ARALING PANLIPUNAN 3 IKALAWANG MARKAHAN SAGUTANG PAPEL Pangalan: _____________________________________________Petsa: __________________ Pangkat: __________________________ Guro: __________________ PAUNANG PAGSUSULIT BALIK TANAW 1 1 2 2 3 3 4 4 5 5 MGA GAWAIN Gawain A. 1 2 3 4 5 PAG-ALAM SA NATUTUHAN : Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio. PANGHULING PAGSUSULIT PAGNINILAY 1 1 2 2 3 3 4 4 5 5 AP3-Q2-Week 1