2ndPrelimExam Filipino 10

Created
    English
  1. Other
  2. 10 Grade
  3. Ivy Grace Timogtimog
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

Ikalawang Buwanang Pagsusulit sa Filipino 10 I. Tukuyin ang tamang sagot at piliin ang sagot sa ibaba. Sagot lamang. Tuldok Tandang Pananong Tandang Padamdam Kuwit Tutuldok Tuldok-tuldok Kudlit Panipi Bantas Gitling 1. Ito ay mga panandang ginagamit sa pagsusulat kasama ng mga titik, salita, o pangungusap upang makatulong sa pagpapakilala ng kahulugan o kaisipan nito. 2. Anong bantas ang inilalagay sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay at pautos? 3. Ginagamit ang bantas na ito sa pagtatapos ng bating panimula at pangwakas ng liham-pangkaibigan. 4. Ginagamit ito sa pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa. 5. Ginagamit sa katapusan ng isang sipi at sa tuwirang pahayag sa loob ng pangungusap. 6. Ang bantas na inilalagay sa pagtatapos ng bating panimula sa liham na pormal o pangangalakal. 7. Ginagamit ito kapag sa pagsasama ng mga salita o kataga ay may nawawaglit na titik o mga titik. 8. Ginagamit ito kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap. 9. Ginagamit ito sa paghahati ng pantig sa salita sa isang pangungusap. 10. Ginagamit ito sa pangungusap na naglalahad ng matinding damdamin. II. Panuto: Isulat muli ang pangungusap gamit ang angkop na bantas. 1. Saklolo tulungan niyo kami 2. Opo nanay magsasaing na po ako sagot ni Maricel 3. Nagluto ako ng almusal naglaba nagwalis sa sala at saka nagpahinga 4. Kailan binarily si Jose Rizal sa Bagumbayan

Worksheet Image

5. Ipinanganak si Bb Flores noong ika 7 ng Agosto 1990 6. Ibat ibang prutas ang tinitinda ng may ari ng tindahan 7. Mahal kong Juanito 8. Kagalang galang na Hukom 9. Ay nalulunod ang bata 10. Bakit may mga di bali nalang III. Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang sumusunod na mga pahayag. 1. (Sundan, Sundin) mo siya kung saan siya pupunta baka siya ay maligaw. 2. Nagmamadali siyang bumaba sa kanilang (hagdan, hagdanan). 3. (Kung, Kong) may nais kang patunayan sa iyong mga magulang, gawin mo na. 4. Hindi ko alam kung makakayanan ko (din, rin) ba ang pagsubok na iyan na dumating sa kanyang buhay. 5. (Walis, Walisan) mo ang kalat sa bakuran natin. 6. (Pahirin, Pahiran) mo ang kalat sa may mesa. 7. (Subukin, Subukan) mong tularan ang kanyang pagiging matapat. 8. (May, Mayroon) na akong bagong damit. 9. Bukas (ooperahin, ooperahan) na si Miley ng mga doctor. 10. (Pahirin, Pahiran) ninyo raw ng floorwax ang sahig, bilin ni Christel.