2ndmonthlyexaminFilipino9

Created
    English
  1. Other
  2. 9 Grade
  3. Ivy Grace Timogtimog
Best for asynchronous learning and homeworkAssign in student-paced mode
Best for live in-class or video conferencing lessonsStart teacher-led lesson
Preview as student
Worksheet Image

I. Tukuyin ang tamang sagot at piliin ang sagot sa kahon. Sagot lamang. Klaster Pares Minimal Tuldok-tuldok Tutuldok Tandang Padamdam Ponemang malayang nagpapalitan Kuwit Kudlit Panipi Diptonggo 1. Ang pares na salitang magkaiab ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. 2. Tawag sa mga patinig na sinusundan ng malapatinig na -y at -w sa loob ng isang pantig. 3. Ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ang salita. 4. Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. 5. Ginagamit ito kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap. 6. Ginagamit ito sa pagtatapos ng bating panimula sa liham na pormal o pangangalakal. 7. Ang bantas na ginagamit sa pagtatapos ng isang bating panimula at pangwakas ng liham pangkaibigan. 8. Ginagamit ito sa pangungusap na naglalahad ng matinding damdamin. 9. Ginagamit ito kapag sa pagsasama ng mga salita o kataga ay may nawawaglit na titik o mga titik. 10. Ginagamit ito sa katapusan ng isang sipi at sa tuwiarang pahayag sa loob ng pangungusap. II. Tukuyin kung Diptonggo o Klaster ang mga salitang may salungguhit. 1. Hindi angkop ang deskripsiyon ng aklat na naibigay sa kanya ng kaklase niya kaya tuloy hindi niya ito mahanap-hanap. 2. Tuluyan nang nagalit ang grupo sa kanyang pagmamatigas dahil lamang sa walang kuwentang bagay. 3. Ang krisis pang-ekonomiya na naramdaman ng buong daigdig ang dahilan kung bakit patuloy ang paghihirap ng tao lalo na ang mahihirap. 4. Ang pagpanaw ng kanyang anak ay nagdulot sa kanya ng labis na kalungkutan. 5. Ang magkaroon ng isang traydor na kasama ay dapat pangilagan. 6. May isang grupo ng mga kabataan ang nagprotesta sa harap ng paaralan. 7. Abot hanggang beywang ang bah ana dinulot ng bagyo sa aming bayan. 8. Mababait ang mga nars sa Hospital na aking napuntahan. 9. Ang aking kaibigan ay nag-aalaga ng unggoy sa kanilang bakuran. 10. Sablay nanaman ang ginawang pagsusuri sa isang laboratory.

Worksheet Image

III. Panuto: Isulat muli ang pangungusap gamit ang angkop na bantas. 1. Saklolo tulungan niyo kami 2. Opo nanay magsasaing na po ako sagot ni Maricel 3. Nagluto ako ng almusal naglaba nagwalis sa sala at saka nagpahinga 4. Kailan binarily si Jose Rizal sa Bagumbayan 5. Ipinanganak si Bb Flores noong ika 7 ng Agosto 1990 6. Ibat ibang prutas ang tinitinda ng may ari ng tindahan 7. Mahal kong Juanito 8. Kagalang galang na Hukom 9. Ay nalulunod ang bata 10. Bakit may mga di bali nalang IV. Panuto: Salungguhitan ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang sumusunod na mga pahayag. 1. (Sundan, Sundin) mo siya kung saan siya pupunta baka siya ay maligaw. 2. Nagmamadali siyang bumaba sa kanilang (hagdan, hagdanan). 3. (Kung, Kong) may nais kang patunayan sa iyong mga magulang, gawin mo na. 4. Hindi ko alam kung makakayanan ko (din, rin) ba ang pagsubok na iyan na dumating sa kanyang buhay. 5. (Walis, Walisan) mo ang kalat sa bakuran natin. 6. (Pahirin, Pahiran) mo ang kalat sa may mesa. 7. (Subukin, Subukan) mong tularan ang kanyang pagiging matapat. 8. (May, Mayroon) na akong bagong damit. 9. Bukas (ooperahin, ooperahan) na si Miley ng mga doctor. 10. (Pahirin, Pahiran) ninyo raw ng floorwax ang sahig, bilin ni Christel.

TEST III ANSWERS...