SCORE Blk 9 Lot 15-16 Southern Heights II San Pedro Laguna SECOND MONTHLY EXAMINATION __________ MT 3 NAME: _____________________________________________________________________________ DATE:______________________ I. TAMA o MALI: Unawin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang ang Tama kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap, Mali naman kung hindi. ___________1. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa lamang. ___________2. Gumagamit tayo ng wastong bantas sa mga pangungusap. ___________3. May tatlong bahagi ang payak na pangungusap. ___________4. Ang susing pangungusap ang sumusuporta sa isang talata. ___________5. Sa unahan ng talata lamang maaaring matagpuan ang susing pangungusap. II. Maraming Pagpipilian A. PAGBASA: Basahing mabuti ang talata at sagutin nang wasto ang mga tanong. Isulat sa patlang ang wastong sagot. Ang Pamamasyal sa Parke Tuwing araw ng Linggo pagkatapos magsimba, kaming magkakapatid ay ipinapasyal ng aming mga magulang sa parke. Masaya kaming naglalaro dito ng habulan, taguan, pagpapalipad ng saranggola at kung ano-ano pang laro na aming maisip. Tapos, kakain kami ng masasarap na pagkaing niluto ni Nanay. Samantala, si Tatay naman ay abala sa pagkuha sa amin ng mga larawan. ____6. Ano ang pamagat ng talata? A. Ang Mag-anak B. Pagkatapos Magsimba C. Ang Pamamasyal sa Parke ____7. Kailan sila nagsisimba? A. Tuwing araw ng Linggo B. Tuwing araw ng Miyerkules C. Tuwing araw ng Sabado ____8. Saan sila nagpupunta pagkatapos magsimba? A. palengke B. paaralan C. parke ____9. Sino ang abala sa pagkuha ng mga larawan A. ate B. nanay C. tatay ____10. Paano mo ilalarawan ang kanilang pamilya? A. simple at masaya B. matipid C. masipag
B. Piliin ang titik ng wastong sagot ____11. Ito ang bahaging pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. A. Pangalan B. Simuno C. Panaguri ____12. Ito ang bahaging nagsasabi tungkol sa pinag-uusapan. A. Pangalan B. Simuno C. Panaguri ____13. Ang mga likas na yaman sa ating bansa ay dapat nating pangalagaan at ingatan. Anong bahagi ng pangungusap ang sinalungguhitan? A. Simuno B. Panaguri C. Payak ____14. Ang mga bulaklak ni Sheila ay magaganda. Alin ang panaguri sa pangungusap? A. Ang mga B. Ang mga bulaklak ni Sheila C. ay magaganda ____15. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Nakaupo ang mga bata nang maayos. A. uri ng gulay B. posisyon sa upuan C. brand ng cellphone ____16. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Ang labi ng namatay ay ililibing na. A. bangkay B. bahagi ng bibig C. wala sa nabanggit ____17. Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Napakarami ng mga tala sa gabi. A. listahan B. bituin C. lalagyan ____18. Saan matatagpuan ang susing pangungusap sa talata? Isang gabi na maliwanag ang buwan, naglalaro ng taguan ang mga bata. Isa-isa nang nagtago ang mga bata. Ipinikit na ni Ruben ang mata sa puno. Pagkabilang ng sampu, iminulat na niya ang mata at isa-isang hinanap ang mga kalaro. Bigla na lamang nagulat si Ruben, wala na siyang mga kalaro. Umuwi na palang lahat ang kaniyang mga kaibigan. A. unahan B. gitna C. dulo ____19. Ano ang susing pangungusap sa talata? Ang araw ay nagbibigay ng init at liwanag sa ating kapaligiran. Kailangan ito ng lahat ng mga bagay na may buhay. Ang sikat ng araw ay nagbibigay sa atin ng bitamina D. Mahalaga ang araw sa ating lahat. A. Ang sikat ng araw ay nagbibigay sa atin ng Bitamina D. B. Kailangan ito ng lahat ng mga bagay na may buhay. C. Mahalaga ang araw sa ating lahat. ____20. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang tambalang pangungusap? A. Si Levana ang napiling Bb. Divine Savior. B. Hinatid namin sa paaralan si Reiven. C. Si Andres Bonifacio ay Ama ng Katipunan samantalang si Emilio Jacinto naman ay Utak ng Katipunan. Prepared by: LOUIESA MAE C. SALVADOR Checked by: MARY GRACE R. MACARAEG Teacher School Principal